^

PSN Opinyon

Newly-elected City Council ng Makati, nagpulong na

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Ginanap noong Miyerkules, July 6, 2022,  ang inaugural session ng mga bagong halal na konsehal na bumu­buo sa Sangguniang Panlungsod ng Makati. Sila ang mga opisyal na tutulong sa ating magsulong ng mga bagong ordinansa, programa, at proyekto para mas lalong gumanda ang quality of life ng ating mga #ProudMakatizen.

Layunin namin na patuloy na pagandahin ang lungsod at magdagdag pa ng mga infrastructure projects na ma­iiwan bilang legacy sa mga susunod na henerasyon. Dagdag pa diyan ang layuning ma-revive at i-boost ang business sector para ma-encourage ang mas maraming investors at negosyante na muling mag-invest ngayong nakakabawi na tayo mula sa epekto ng pandemya.

Ilan lamang ito sa mga gusto naming ma-achieve sa aking ikatlo at huling term bilang mayor.

Sa tulong at suporta ng ating mga kaalyado sa City Council ay marami tayong nagawa noong nakaraang admi­nistrasyon. Taas-noo kong ipinagmamalaki ang naging ma­bilis, efficient, at relevant nating COVID-19 response programs. Kinilala tayo sa loob at labas ng bansa para sa pagiging innovative at effective ng ating programs lalo na sa pagbibigay ng ayuda via GCash.

Sa susunod na tatlong taon ay lalo naming palalakasin ang emergency response at health at social services sa Makati para handa tayo sa anumang krisis o pandemya.

Higit sa lahat, dapat isapuso ang paglilingkod sa mga #ProudMakatizen nang higit sa inaasahan. Over and above the call of duty, ika nga, dahil deserve nila ang best of the best mula sa atin.

* * *

For the first time after two years ay ginawa nang face-to-face ang moving up at graduation ceremonies ng ating­ mga estudyante mula Kinder, Grade 6, Grade 10, at Grade 12. Kasama rin ang mga graduate mula sa Higher School ng UMak.

Na-miss ko talaga ang mga ganitong event, kaya hindi ko pinalampas ang pagkakataon na makasamang muli ang mga bata. Personal akong dumalo sa graduation ng Fort Bonifacio High School students sa Makati Coliseum noong Martes. Talaga namang mas ramdam ang emosyon at ang selebrasyon ng pagtatapos kapag sama-sama tayo.

Ang mga graduation rites ay ginanap mula July 4 to 8 at ang tema ng graduation para sa AY 2021-2022 ay Gradweyt ng K-12: Masigasig sa mga Pangarap at Matatag sa mga Pagsubok.

Napagtagumpayan ng batch na ito ang hagupit ng pandemya at ang maraming challenges ng blended learning.

Heto sila ngayon, matatag at handang-handa nang harapin ang susunod pang kabanata ng kanilang buhay estudyante.

Sa ating Sangguniang Panlunsod at mga #ProudMakatizen graduates, congrats sa inyong lahat!

vuukle comment

PROUDMAKATIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with