^

PSN Opinyon

Comelec at DILG kumilos kayo!

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Si Avelino Amangyen ang nanalong mayor ng Paracelis, Mountain Province subalit hindi siya makaupo dahil ayaw umalis nang nakalaban niyang incumbent mayor na si Marcos Ayangwa. Aalis lamang daw si Ayangwa kung iuutos ng Comelec at Department of Interior and Local Government (DILG). Nanumpa na sa tungkulin bilang mayor si Amangyen noong Hunyo 30.

Nang kapanayamin si Ayangwa, mariin niyang sinabi na siya ang karapat-dapat na mayor dahil diskuwalipikado si Amangyen bago pa ginanap ang election noong Mayo. Sabi ni Ayangwa dapat ipatupad ang diskuwalipikasyon ni Amangyen na ipinag-utos ng Second Division ng Comelec na nagkakansela sa certificate of candidacy nito noong Abril 19, 2022.

Ayon pa kay Ayangwa, may paglabag sa forestry code at mayroong standing warrant of arrest si Amangyen dahil sa kasong pagtotroso. Sentensiyado umano si Amangyen ng reclusion remporal at perpetual disqualification sa paghawak ng anumang pampublikong tungkulin.

Sagot naman ni Amangyen, naghain na siya ng motion for reconsideration kaya hindi pinal ang kanyang diskuwalipikasyon.

Lalo pang lumala ang kalituhan sa Paracelis nang mag-assume si Vice Mayor-elect Djarma Rafael dahil sa “rule of succession”. Ito raw ang payo sa kanya ng DILG-Cordillera.

Magulo ngayon sa Paracelis. Nararapat nang makialam ang Comelec at DILG sa isyung ito. Kapag tumagal pa ang gulong ito, walang ibang kawawa kundi ang mamamayan ng Paracelis. Apektado ang pagbibigay ng serbisyo sa kanila.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

AVELINO AMANGYEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with