^

PSN Opinyon

Pagpapasigla sa sariling ani  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

DAHIL sa walang tigil na oil price hike, apektado sa ngayon ang ekonomiya at nahaharap sa food crisis ang bansa. Malaking hamon ito kay President Marcos Jr. upang ang kagutuman ng nakararaming Pilipino ay malunasan. Personal na pangangasiwaan ni Marcos ang Department of Agriculture para pasiglahin ang ani at mapunan ang kaku­langan ng pagkain. May mga kinakalap na agriculture expert si Marcos upang mapaunlad ang produksyon ng palay sa pamamagitan ng mga bagong teknolohiya ganundin sa pagtatanim ng gulay. pag-aalaga ng isda at seafoods at animals production.

Kamakalawa, tumaas ang presyo ng karneng baboy matapos maapektuhan ng ASF ang mga alagang baboy sa Mindanao. May nakitaan naman ng bird flu sa Bulacan at Nueva Ecija kaya apektado ang poultry producers. Dahil mataas ang pertolyo dagdag ito sa gastusin ng mga mag­bababoy at magmamanok at mangingisda.

Problema rin ang paliit na paliit na lupang taniman dahil sa walang tigil na land conversion ng mga dupang na land developers. Ito ang dapat na pagtuunan ng pansin ni Marcos. Sabagay minana lang din naman ni Marcos ang problemang ito sa mga nakaraang administrasyon.

Bilang pagsuporta sa adhikain ni Marcos na sa pag­resolba sa food crisis, may iba’t ibang grupo sa ngayon ang nag-oorganisa upang mabigyan ng ideya sa pagpapa­unlad ng food production. Kabilang dito ang hanay ng mga mamamahayag at vloggers na nananawagan na muling buhayin ang Green Revolution na sinimulan noon ni dating First Lady Imelda Marcos.

Natanyag noon ang Pilipinas sa pagiging mahusay na producers ng palay. Kung nais ninyong maging progresibong plantito at plantita, samahan ang magsasakang reporter na si Mer Layson sa Bagong Balita Media Forum sa Quezon City upang may mapulot ng bagong tips sa paghahalaman. Bukod kay Layson, guest din sa forum sina Department of Agriculture (DA) Undersecretary Ariel Cayanan at BFAR Director Eduardo Gongona. Ang batikang TV at radio personality na si Gani Oro ang moderator at host ng forum (9:00 a.m.-12:00 nn) sa Max’s Restaurant sa Quezon Avenue, Quezon City. Ibabahagi ni Layson ang kanyang kaalaman at adbokasiya sa pagtatanim ng mga halaman sa organikong pamamaraan. Ayon kay Layson, ang pagkakaroon ng seguridad sa pagkain ay dapat magsimula sa mga tahanan. Nananawagan si Layson sa publiko na magtanim ang bawat isa ng sariling pagkain. Matagal nang isinusulong ni Layson ang urban gardening na kahit sa bote ng softdrinks at mineral water ay maaring magtanim. Ayon pa kay Layson, dapat buhayin ang “Masaganang 99” ni dating Pres. Ferdinand Marcos Sr., ama ni PBBM. Si Layson ay magsasaka, reporter ng Pilipino Star NGAYON at PangMasa, kolumista, TV host ng Masaganang Buhay sa OnePH ng TV-5, vlogger at negosyante.

ECONOMY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with