^

PSN Opinyon

Binawi ang bangkay

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

Ang kasong ito ay tungkol kay Atty. Antonio na partner sa isang law office. Kasal siya kay Denise at may limang anak sila, dalawang lalaki at tatlong babae pati isang legal na ampon. Sa kabila ng kanilang malaking pamilya ay hindi naging maganda ang kanilang pagsasama at tuluyan silang naghiwalay.

Matapos ang 20 taon. niligawan ni Attorney ang kliyente niyang si Marj. Nagkasundo silang magsama bilang mag-asawa pero sa kabila nito ay hindi nakalimutan ng lalaki ang kaniyang obligasyon na magbigay ng sustento kay Denise at sa kanilang mga anak.

Habang nakikisama kay Marj ay nagkasakit si Antonio. Inalagaan siyang Mabuti ni Marj at binayaran pa ng babae ang lahat ng gastos sa ospital. Hindi tulad ni Denise na walang pakialam sa asawa. Pumunta pa nga ang babae sa Amerika kahit pa nag-aagaw-buhay na si Antonio sa ospital at comatose na.

Habang nasa U.S. si Denise at mga anak para doon magpasko at matapos ang tatlumpung-taong kasal nila ay binawian ng buhay si Antonio. Namatay siya dahil sa sakit na emphysema.

At dahil walang kahit sinong kaanak ang naroon para mag-asikaso sa bangkay ay nagkusa na si Marj para bayaran ang lahat ng gastos sa pagpapalibing kay Antonio.

Iyon nga lang, nang malaman ni Denise ang tungkol sa pagkamatay ng mister ay tinawagan niya si Marj para ipag­paliban ng ilang araw ang pagpapalibing sa bangkay. Hindi siya pinagbigyan ng kabit at agad nitong ipinalibing ang bangkay ni Antonio sa museleo ng pamilya. Tuloy ay hindi na umabot sa burol at sa libing ni Antonio sina Denise at ang mga anak.

Sa galit, nagsampa ng reklamo laban kay Marj si Denise at mga anak sa RTC para humingi ng danyos (actual, moral & exemplary) pati gastos sa abogado dahil tinanggalan daw sila ng karapatan ng babae na masilayan ang labi ni Antonio sa huling sandali pati inilibing pa ang lalaki sa musoleo ng pamilya ng kabit na kontra sa gusto ng lalaki.

Ang argumento naman ni Marj ay mahigit 20 taon na hiwalay na ang mag-asawa bago siya niligawan ni Antonio. Niligawan daw siya ng lalaki at nagsama sila bilang mag-asawa. Pinakilala rin siya sa lahat ng kaibigan at kakilala bilang bagong asawa ng lalaki noong nabubuhay pa ito. Inalagaan din daw niya ng mabuti si Antonio noong magkasakit pati binayaran lahat ng gastos sa ospital. (Itutuloy)

vuukle comment

DENNIESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with