^

PSN Opinyon

Mahinang urban planning?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA sobrang taas na ng presyo ng gasolina at diesel, iba’t ibang paraan ang ginagamit na ng tao para maiwasan ang gumastos nang malaki. Isa rito ay ang pag-iwas ng paggamit ng sasakyan at gumamit ng mga mas murang paraan para makarating sa destinasyon. At wala nang mumura pa sa paglalakad.

Pero naging viral ang TikTok video ni Gabriele Raine Baljak, Miss Cebu 2016, nang sinubukan niyang maglakad mula Bonifacio Global City patungong Mandaluyong. Ang turo sa kanya ng Google maps ay tumawid ng Pasig River gamit ang BGC-Ortigas Road Link Bridge. Ligtas naman daw gamitin ng mga naglalakad ang bagong tulay na ito, ayon sa Google maps.

Pero nang magsimula na siyang tumawid gamit ang nasabing tulay, tila wala namang bangketa para sa nagla­lakad. Batay sa kanyang litrato, ang nakikita ko nga lang ay bike lane at kalsada. Walang bangketa o sidewalk para malakaran ng tao. Kung nataon na may bisikleta at sasak­yan na sabay bumabaybay ng tulay, mapipilitan kang umiwas nang husto para hindi matamaan. Hindi ganyan ang ligtas na bangketa.

Naging atensyon din muli ang “Mt. Kamuning” o ang napakataas na footbridge sa may EDSA-Kamuning. Ban­yaga pa ang pumuna kaya hindi na naman naging magandang imahe para sa bansa. Nagsisihan pa sa Face­book kung kaninong administrasyon itinayo ang footbridge dahil may mga nagsabing panahon daw ni dating Pres. Noynoy Aquino at panay batikos sa kanya.

Pero ipinakita kaagad na 2018 ginawa ang footbridge. Napakabilis talagang manisi ng mga ito nang hindi muna inaalam nang husto ang mga detalye.

 Lumalabas na hindi “pedestrian friendly” ang Metro Manila. Mahina raw ang urban planning. Sasang-ayon ako. Madalas kinakain na rin ng mga tindahan ang anumang bangketa na puwedeng lakaran ng tao. Minsan maghihigpit ang mga lokal na pamahalaan, pero matapos ang ilang panahon ay balik na naman sila. Nang lagyan ng bike lane ang mga kalsada, nabawasan din ang makikipot na kalsada.

Wala akong problema sa bike lane pero sa mga makikipot na kalsada, hindi naiiwasan na gamitin na rin ng mga sasakyan ang bike lane na minsan ay mauuwi sa away. Hindi ko alam kung mababago pa ang mga problema o isyung ito. Kung madalas kang naglalakad sa Metro Manila, baka napupuna mo rin ito. Maliit din kasi ang ating bansa, na nagsisiksikan pa sa NCR.

Hindi na mababago iyan nang hindi gagastos nang malaki ang gobyerno. At kung tinanggihan ni President Marcos Jr. ang paggawa ng bagong airport sana sa Bulacan dahil sa umano’y panganib sa piskal na sitwasyon ng bansa, wala pang solusyon muli sa siksikan sa NAIA.

GASOLINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with