^

PSN Opinyon

Family first pa rin para sa #ProudMakatizens

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Ang ating pamilya ang inspirasyon sa buhay at pinagku­kunan ng lakas at pag-asa sa araw-araw. Dito sa Makati, number one priority ang pamilya, kaya naman ang ating mga proyekto at programa ay umiikot sa pagpapatibay ng magandang pagsasama ng bawat pamilya.

Nakaalalay ang pamahalaang lungsod sa bawat pamil­yang Makatizen simula’t sapul. Kung dati rati ay mayroon tayong mass wedding para sa mga indigent couples o mga mag-partner na matagal nang nagsasama ng walang kasal, inupdate natin ito ngayong panahon ng pandemya at ginawa nang “mask wedding”.

Sinimulan namin ito noong June 18, 2020 sa Makati City Hall, ngunit kalaunan ay nilipat namin ito sa Washington­ Sycip Park sa Legaspi Village para mas maka-comply sa health requirements at masiguro ang kaligtasan ng ating mga couples. Nitong June ay ibinalik na namin sa Makati City Hall ang mask wedding dahil nanatili sa Alert Level 1 ang kamaynilaan. Pinapayagan na rin ang pagdalo ng anim na bisita kada pares na ikakasal, pero dapat pa ring sundin ang pagsusuot ng face mask at social distancing.

Ngayong July ay mayroon tayong dalawang available dates na maaaring pagpilian ng ating mga ikakasal: July 6 o 27.  Bibigyan po namin kayo ng confirmation tungkol sa napili ninyong date base sa availability ng slots. Sagot po ng pamahalaang lungsod ang #MaskWedding ninyo. Wala na po kayong iintindhin at gagastusin dahil pati wedding pictures ay kami na rin ang bahala.

Pumunta lamang sa City Hall at sundin ang mga sumusunod: 1) Kumpletuhin ang requirements sa pagpa­pakasal na ibibigay ng City Civil Registration Office (CCRO); 2) Magbayad ng P100 at dumalo sa isang seminar tungkol sa family planning na isinasagawa ng Makati Social Welfare Department (MWSD); 3) Kumuha ng marriage license sa CCRO.

Matapos makumpleto ang proseso, i-eendorso ng CCRO ang mga dokumento sa Office of the Mayor (OM) at papipiliin kayo ng petsa kung kailan ninyo gustong ikasal. Bukas din para sa mga non-Makati resident ang programang ito, ngunit bibigyan ng prayoridad ang mga Proud Makatizen sa mga ipamimigay na token atbp. Kung kayo ay may iba pang mga tanong, tumawag lamang sa OM sa (02) 8870-1102 o CCRO sa (02) 8870-1305.

* * *

Last Sunday, muli tayong nakapagdaos ng masayang Family Day sa Makati City Hall Quadrangle. Na-miss namin ang mga ganitong activities noong kasagsagan ng pandemya, ngunit unti-unti na nating naibabalik ang mga kinasanayang programa para sa mga Makatizen.

Mahigit-kumulang 750 pamilya ang nakisaya sa programang inihanda namin tulad ng games, shows, at performances para sa mga bata at kanilang mga magulang. Merong ding free t-shirts at simpleng salo-salo para sa lahat ng dumalo.

Ang Family Day ay mahalagang activity at layunin naming bigyan ng pagkakataon ang mga myembro ng pamilya na makapag-bonding ulit kahit na busy ang lahat sa trabaho at pag-aaral. Lagi nating tatandaan na ang matatag at nagkakaisang pamilya ang ating sandalan sa panahon ng kagipitan at kalungkutan. Bigyan natin ng oras at panahon ang ating mga mahal sa buhay.

MAKATI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user