^

PSN Opinyon

Umpisa pa lang term extension na?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Ano kaya ang hakbang na ito sa Kongreso, pangsepsep ba kay President Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.?

Kauupo pa lang ng bagong presidente, dumiskarte na agad ang isang kongresista at nagsulong ng resolusyon para palawigin hanggang 10 taon ang termino ng president at vice president. Ito’y sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Konstitusyon.

Para disimulado, kunwari ay ibababa sa limang taon ang termino ng president at vice president sa halip na anim na taon. Pero sila ay magiging eligible for re-election para sa panibagong term sa kabuuang 10-taon. Dati nang ganyan ang nakasaad sa lumang Saligangbatas. Five years with re-election sa president at vice president. Bakit iba­balik ang dating sistema na binago dahil may mga nakitang depekto?

Kulang daw ang anim na taon para magampanan at matapos ng isang president ang lahat ng magaganda niyang programa.  Ang pagsusulong ng resolusyon ay inis­yatibo ni Pampanga 1st district Rep. Dong Gonzales Jr.

Kahit sa tingin ng mga mambabatas na maganda ang kanilang layunin, mukhang in bad taste ito para sa bagong presidente na binabatikos dahil sa matagal na termino ng kanyang amang si Ferdinand Marcos Sr. na umabot ng 20-taon. Por delicadeza, dapat maaga pa lang ay mag­pahayag na ng pagtutol si Marcos, Jr. Tingin ko naman ay gagawin niya ito para pangalagaan ang kanyang imahe.

Kung hindi man, ang anumang panukala sa Kongreso na magbibigay sa president ng undue advantage ay ma­aaring aprubahan basta’t hindi siya makikinabang dito.

BONGBONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with