^

PSN Opinyon

Maligamgam na tubig ang inumin araw-araw

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

May benepisyo ang pag-inom ng maligamgam na tubig araw-araw:

1. Magandang panunaw—Ang mainit na tubig ay sinasabing madaling paraan upang mapabuti ang kalusugan. Kapag ang isang tao ay hindi umiinom ng sapat na tubig, ang maliit na bituka ay sumisipsip ng mas mara­ming tubig sa nakonsumong pagkain at ininom. Ito ang dahilan para maging dehydrated at mahirapang dumumi. Ang sobrang dehydration ay maaaring magresulta ng ma­la­lang constipation o pagtitibi at magresulta ng iba pang problema.

2. Para maging regular ang pagdumi—Kung kumpleto sa dami ng tubig na iniinom, mas madali at magiging regular ang pagdumi dahil mas magiging malambot ito at madaling mailabas.

3. Magandang sirkulasyon ng dugo—Ang maligamgam na tubig ay maaaring makapagpabuka ng blood vessel para dumaloy ng mas maayos ang dugo at sustansiya sa ating katawan.

4. Nakakabawas ng stress—Ang isang tasang mali­gam­gam na tubig ay nakatutulong para mabawasan ang stress at anxiety.

5. Magkaroon ng mas maayos na tulog—Ayon sa re­search, ang pag-inom ng isang tasang maligamgam na tubig ay nakatutulong para marelaks ang katawan at maka­tulog. Maiiwasan din ang magising sa madaling araw, para maging malakas sa susunod pang mga araw.

6. Mabuti sa tiyan—Ang maligamgam na tubig ay naka­tutulong sa maayos na pagtunaw ng kinain at para makapasok ang sustansiya sa katawan.

MALIGAMGAM NA TUBIG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user