^

PSN Opinyon

Ano ang kumokopya: totoong buhay o sining

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG dekada-60, sina Elizabeth Taylor at Richard Burton ang pinakatanyag na celebrity couple. Pinakasikat sa tambalan nila ang “Cleopatra”. Ang maintrigang romansa ng Egyptian empress at Roman general Mark Antony na inakto nila ay nagkatotoo sa kanilang buhay. Ikinasal sila, nagdiborsiyo, nagkanya-kanyang asawa, ikinasal muli at nagdiborsiyo muli. Sa tambalan nila sa “Who’s Afraid of Virginia Woolf” nu’ng matatanda na, totoong buhay na lasengga si Taylor at totoong buhay na seloso si Burton tulad ng mga karakter na nilarawan nila.

Kasabay nu’n sa Pilipinas kilig na kilig ang movie fans sa mga tambalan nina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez, Susan Roces at Fernando Poe Jr., Tita Duran at Pancho Magalona, at Barbara Perez at Robert Arevalo. Ibinabagay ang movie roles sa totoong ugali nila. Tsinitsismis kasi sila ng movie scribes kaya hayun, may mag-asawang away nang away o sweet na sweet o walang pakialaman.

Marami pang naging celebrity couples. Sa abroad, nandiyan sina music at football stars Victoria Adams at David­ Beckham, Angelina Jolie at Brad Pitt, Demi Moore at Bruce Willis, at Meghan Markle at Prince Harry. Sa mara­­ming pelikula inakto ni Mia Farrow ang mahinhing misis ng sira-ulong mister na si Woody Allen. Nagkatotoo: hinalá ni Allen ang dalagitang ampon nila ni Farrow.

Kinokopya ba ng sining ang buhay, o buhay ang kumo­kopya sa sining? Tanong ‘yan sa biography ng sinasabing pinakamatinding celebrity spouses ng siglo, Vivien Leigh at Sir Laurence Olivier.

Sabay nanalong best actress si Leigh sa “Gone With the Wind” at na-nominate na best actor si Olivier sa “Wuthering­ Heights”, taong 1940. Nagbunga sa Oscar Awards nu’ng gabing ‘yon ang romansa. Gawa raw sa langit, hirit ng fans. Pero mala-impiyerno ang totoong samahan nila. Away nang away bago at matapos ikasal. Inggitan, selosan, kali­­waan, intrigahan, paglalasing, sumbatan. Parang ginanap nilang pelikula.

BUHAY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with