^

PSN Opinyon

Congrats sa bagong youth ambassador ng Makati at sa TOSM awardees!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Congratulations sa ating bagong youth ambassador­ na si Matthew Ivan Galvez ng Makati Science High School at sa iba pang mag-aaral na kabilang sa Ten Oustanding Students of Makati (TOSM).

Noong June 10 ginanap ang awarding ceremonies sa City Hall kung saan tumanggap si Matthew ng P20,000 na cash gift, isang plaque, at bouquet. Ang iba pang awardees ay mayroon din namang P15,000, plaque, at bouquet­. Sila ay sina:

Jerome Samuel Tan ng Makati Hope Christian School; Mikaella Caluag ng Makati High School; Leila Caudilla ng San Antonio National High School; Nisha Jai Collado ng Bangkal High School; Zach Anthony Ty ng Makati Hope Christian School; Derron Noleal ng  St. Paul College of Makati; Gerald Jerome Leviste ng San Antonio National High School; Raven Jillian Catuday ng Makati Science High School; at si Camille Danielle Lacanlalay ng St. Paul College of Makati.

Bilang bagong youth ambassador, si Matthew ang kaka­tawan sa kabataang Makatizen at magsisilbing inspi­ras­yon sa mga kapwa niya mag-aaral na magsumikap sa pag-aaral at abutin ang kanilang mga pangarap. Siya rin ang magsisilbing boses ng Makatizen youth sa mga importanteng paksa at issue na makakaapekto sa kanilang henerasyon.

Nasa ika-45 taon na ang TOSM at magpapatuloy pa ito sa mga susunod na taon. Ito ay isang makabuluhang programa na nag e-encourage at nagmo-motivate sa ating­ mga kabataan na maging aktibo sa komunidad at mag­handa na upang gampanan ang leadership roles na naka­abang sa kanila.

Sila ay hinahasa sa mga aspeto ng social inclusion, entrepreneurship, innovation at environmental protection. Napakahalaga nito sa pagpapalakas ng pundasyon ng mga kabataan bilang future leaders ng ating lungsod at bansa.

Hindi lamang high school students sa Makati ang nabibigyan ng 100% support. Maging ang mga nasa kolehiyo ay inaalalayan din namin upang ma-develop at mahasa ang kanilang kaalaman at talento.

Proud na proud ako na 100% ang passing rate ng University of Makati sa nakaraang Nursing Licensure exams. Isa na naman itong patunay sa husay at dedikasyon ng ating mga kabataang Makatizen.

Sa loob ng ilang dekada ay tahimik ngunit buong pagsisikap na itinataas ng pamahalaang lungsod ng Makati ang antas at kalidad ng edukasyon sa ating mga public school.

Simula sa panahon ng aking ama, unti-unting nabawasan ang disadvantage ng batang mahirap pagdating sa edukasyon. Hindi na sila maglalakad ng nakayapak dahil mayroong libreng sapatos at maayos na uniporme silang maisusuot sa pagpasok sa paaralan. Mayroon silang bag at sapat na gamit sa ekswela para makapag-focus sa kanilang lessons at projects.

Madalas po naming marinig ang “sana all” sa tuwing mababanggit ang ganda ng mga benepisyo at proyekto namin para sa ating mga estudyante, mula kinder hanggang sa kolehiyo. Para sa amin ay napakasayang maglingkod lalo’t nakikita namin na binibigyang halaga ang aming mga ginagawang improvements.

Sunud-sunod ang mga achievement at parangal ng ating mga estudyante, kaya mula sa amin sa pamahalaang lungsod, isang mainit na pagbati! Sobrang proud kami sa inyo at sana ay mas galingan pa ninyo dahil andito lamang kami, sumusuporta at umaalalay sa pag-abot ninyo ng mga pangarap.

vuukle comment

CITY HALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with