^

PSN Opinyon

Wrong move ni Danao

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MALING hakbang ang ginawa ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. na magpa-press conference kasama ang suspect na si Jose Antonio Sanvicente at mga magulang nito noong Huwebes ng hapon sa Camp Crame.

Si Sanvicente ang nakabundol at tuluyang sumagasa sa security guard na si Christian Joseph Floralde, saka tumakas at nagtago ng 11 araw. Nangyari ang pananagasa noong Hunyo 5 sa Julia Vargas sa Mandaluyong City habang nagtatrapik ang biktima. Mabuti at may nakapag-video sa pangyayari kundi, tapos na ang kasong ito. Kinasuhan si Sanvicente ng bigong pagpatay at pag-abandona sa kanyang biktima.

Dahil sa nangyaring press con ni Danao, maraming nanggalaiti sa PNP na ang motto pa naman ay ­“mangangalaga ng seguridad at kapakanan ng mamamayan”.

Hindi ko sinasabing hindi bahagi ng mamamayan ang suspect na si Sanvicente, ngunit higit namang agrabyado ang kawawang security guard na si Floralde.

Maraming nagtatanong: Kung jeepney driver ba ang nakasagasa sa sekyu ganyan din kaya ang magiging trato ng PNP sa kanya? Malamang bagansiya agad ang jeepney driver at patung-patong ang isasampang kaso.

Hindi pantay ang hustisya sa bansa. Marahil ito ang dahilan kaya ang ibang naaapi ay sa armas kumakapit upang maipagtanggol ang karapatan at makamit ang hustisya.

Ang nangyaring ito ay maging hamon sana sa papasok na administrasyon ni BBM.

Maiba sana ang trato kung may mangyari muling ganito sa kanyang panunungkulan.

* * *

Para sa suhestiyon:  [email protected]

VICENTE DANAO JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with