^

PSN Opinyon

Sa ibang bansa: Bakit mahirap, mapanganib at delikadong maging illegal migrant?

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Unti-unti na namang nagbubukas ng kanilang pinto ang ibang mga bansa para sa mga dayuhang manggagawa dahil nakokontrol na ang pagkalat ng Covid-19. Dagsa na naman ang mga bago at dati nang overseas Filipino worker papunta sa ibayong-dagat.

Tiyak, aktibo na naman ang mga illegal recruiter kaya dapat maging maingat laban sa mga ito, ang mga Pilipinong naghahanap at nag-aaplay ng trabaho sa ibang bansa. Pero, asahan na rin na may mga Pinoy na gumagamit ng short cut tulad ng paggamit ng tourist visa o ibang iligal na paraan para makapasok sa dayuhang lupain.

Isa marahil sa pinaka-abusong paraan ng pangingibang-bansa ang paggamit ng tourist visa. Suwerte kung may mahanap na trabaho agad bago mag-expire ang tourist visa pero kadalasan, hindi ito nangyayari dahil hahanapan sila ng working permit.

Pero hindi na baleng maging illegal migrant sila. Ang mahalaga ay makapangibang bansa sila at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya.

Iyon ay kung matutupad ang pangarap nilang ito na bihirang mangyari sa mga undocumented Filipino sa ibang bansa.

Kadalasang mas malaki ang nagiging pagsisisi sa pangi-ngibang-bansa sa iligal na paraan kapag nahuli sila o kung hindi pa sila nahuhuli ay sari-saring problema naman ang kanilang makakaharap. Mabagal ang asenso ng ganito, kung aasenso man.

May mga Pinoy na kahit wala silang kaukulang papeles tulad ng work permit ay tumatagal sa bansang kinaroroonan, pero mahuhuli pa rin sila, mapaparusahan, made-deport. Maliban na lamang kung makapag-asawa sila ng citizen na para hindi ma-deport.

Sa ilang blog site tungkol sa mga overseas Filipino worker, tinutukoy ang ilan sa dahilan kung bakit hindi dapat mag-TNT sa ibang bansa. Hinalaw ko roon ang ilan sa sumusunod:

1. Perwisyo ito sa sarili, sa imahe ng mga Pilipino at imahe ng buong Pilipinas.

Naghihigpit ang maraming bansa sa pagtanggap ng mga manggagawang Pilipino dahil sa mga kaso ng overstaying o illegal staying na mga Pilipino. Dahil dito, lalong nahihirapan ang marami sa ating mga kababayan na makapunta sa ibang bansa.

Kahit mamasyal lang, nire-require ng maraming bansa (lalo na yung mga 1st world) na kumuha ng visa ang mga Pilipinong turista.

2. Efficient ang mayayamang bansa sa pagtugis sa mga TNT, matatagpuan ka nila.

Hindi ka makakapagtago ng matagal. At ‘pag natagpuan ka nila ay ipapatupad nila ang full force ng batas sa iyo.

3. Kapag nahuli ka, mababa-blacklist ka at mahihirapang makapunta sa ibang bansa.

Isa sa mga masaklap na parusa sa mga nahuling overstaying Filipino ay ang risk na ma-ban din sa iba pang mga foreign countries.

4. Parati kang may agam-agam at hindi makakilos ng malaya sa bansang kinaroroonan.

Ang mga TNT ay laging nag-aalala sa kanilang kalagayan. Pigil lagi ang pagkilos at nililimitahan ang mga activities. Hindi ka makakapunta sa mga mataong lugar dahil matatakot kang may makadiskubre na overstaying ka.

Takot kang gumawa ng anumang transaction na maaaring magsiwalat na iligal ang iyong pananatili sa bansa.

Merong TNT dati na takot na takot lumabas o magpunta sa mga mataong lugar.

Nag-lapse na ang kanyang tourist visa at natatakot siyang matagpuan ng mga awtoridad. Sa huli, natakot na rin ang kumukupkop sa kanya dahil baka pati ito ay maparusahan kapag nalaman ng mga awtoridad na sa kanila nakatira ang TNT na Pilipino.

5. Madali ka lang i-blackmail ng iyong makaka-away sa bansang kinaroroonan.

Kapag may naka-away ka o nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa isang taong nakakaalam na overstaying ka, hawak ka na niya sa leeg.

Hindi mo magagawang umalma dahil takot ka na isusumbong ka ng taong ito sa mga awtoridad.

6. Wala kang karapatan sa anumang pribilehiyo.

Mahirap mabuhay sa ibang bansa kung hindi ka maka-avail ng mga serbisyo na nangangailangan ng ID.

Hindi ka makakuha ng cellphone, hindi ka makapagmaneho, hindi ka makakagawa ng video rental card, hindi ka makapagpa-admit sa ospital, at kung anu-ano pa.

Liban lang kung merong mga tutulong sa iyo para makuha ang mga bagay na ito. Sa legal man o iligal na paraan.

7. Mahirap maghabol sa sinumang maaaring mang-abuso sa iyo.

Kapag inagrabyado ka sa ibang bansa, ninakawan ka, sinagasaan ka, binuhusan ka ng kumukulong mantika o kahit nahulog ka lang mag-isa mula sa tinitirhan mong gusali ay mahirap humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Bago pa nila hulihin ‘yung umalipusta sa iyo ay ikaw na muna ang ikakaloboso nila kapag nalamang TNT ka.

8.Hindi ka makakakuha ng mga kaukulang benepisyo para sa mga overseas Filipino worker tulad ng mga ipinagkakaloob ng Overseas Workers Welfare Administration kung iligal ka.

9. Magiging napakababa ng sahod mo at sinasamantala ito ng dayuhang employer na gustong makatipid. Wala kang overtime pay at hindi ka makakapagreklamo dahil iligal ka.

May mga undocumented Pilipino nga sa Middle East halimbawa na, sa halip na sila ang magpadala ng pera sa kanilang pamilya sa Pilipinas, ang mga ito pa ang nagpadala ng pera sa kanila.

* * *

Email- [email protected]

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with