^

PSN Opinyon

Akreditasyon sa Palasyo

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Malaki ang nagawa ng social media para sa kampanya ni Pres. Bongbong Marcos. Sa totoo lang, pati si Pres. Rodrigo Duterte ay nakinabang sa kanyang social media bloggers, o vloggers noong kampanya rin niya. Ang problema lang ay marami rin ang nagkalat ng pekeng impormasyon para masira lang ang mga kalabang kandidato. Ang maka­kabasa ng mga iyan ay hindi na kukumpirmahin ang pekeng impormasyon at tatanggapin na lang. Ganito kalakas ang social media ngayon.

Sinimulan ng administrasyong Duterte na payagan ang mga bloggers na sumali sa Malacañang press briefings at mga kaganapan sa Palasyo. Tila gantimpala sa kanilang naitulong sa pagkapanalo ni Duterte. Ngayong papasok na administrasyon, mas palalakihin pa ang mga papayagang sumali sa Malacañang.

Ayon sa papasok na kalihim ng PCOO, sinusuri nila ang mga puwedeng mabigyan ng akreditasyong makasali sa mga mamamahayag. May mga tinitingnan daw silang kuwalipikasyon tulad ng dami ng followers at kung maraming sumasali sa kanilang mga diskusyon.

Dito umalma ang ilang mga mamamahayag. Isa na rito si DFA Sec. Locsin na dating mamamahayag at kilalang hindi pinipigilan ang saloobin. Wala raw pamamahayag sa social media. May sumegundo rito na ang tunay na ma­mamahayag ay may pananagutang ipahayag ang katotohanan, hindi fake news.

Walang nagbabantay sa bloggers kung ano ang ilalagay nila sa social media. Hindi tulad ng mga mamamahayag na ilalagay ang ulat sa pahayagan, radyo o TV. Kapag hindi tino­too ang mga sinabi, maaaring kasuhan ng libelo. Sa internet hindi pa pinaiigting ang magsabi ng katotohanan.

Ilang eleksyon na rin ang dinaanan ko. Wala pa mas­yadong internet noong panahon nina Cory, Ramos at Erap. Sa panahon ni Arroyo wala pa ring masyado pero sa panahon ni Noynoy nagsimula na ang paggamit ng social media sa kampanya.

Sa kampanya ni Duterte napakinabangan nang husto ang internet. Pero may kapalit. Lumaganap ang poot sa pagitan ng mga kampo ng kandidato. At nagpatuloy ito nang maging presidente na si Duterte. Hindi tumigil ang kanyang mga taga-suporta sa pagkalat ng maling impormasyon partikular tungkol kay Vice President Leni Robredo. Sa buong kasaysayan ng bansa, ngayong lang naging masalimoot ang pagitan ng mga pulitikal na kampo. At nagpapatuloy ito ngayon.

Kung bibigyan na ng Palasyo ng akreditasyong maging bahagi ng Malacañang press ang ilang bloggers bilang gantimpala sa kanilang naitulong sa kampanya ni Marcos, ano sa tingin ninyo ang mangyayari kung wala naman silang pananagutan tulad ng mamamahayag?

BONGBONG MARCOS

SOCIAL MEDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with