^

PSN Opinyon

Smuggling ng agri products wakasan ng Marcos admin  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

WALANG tigil ang pagtaas ng gasolina at diesel at apek­tado nito ang presyo ng mga bilihin. Wala na ring naiu­uwing kita ang mga driver ng pampublikong sasakyan, parti­kular ang mga drayber ng jeepney. May ilang drayber ang nagsabi na titigil na lamang sila sa pamamasada dahil wala silang kinikita sa maghapon.

Puro satsat lang ang Land Transportation Franchising­ and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa fuel subsidy. Marami­ pa ring drayber ng jeepney ang hindi nakak tanggap ng ayuda. Sa operator lang daw napupunta ang fuel subsidy­ ng pamahalaan. Marami kasing proseso sa pagkuha ng fuel subsidy bago mabigyan ng P6,000. Kaya nakanganga pa rin ang mga drayber sa paghihintay ng ayuda. Pati mga traysikel drayber ay naghihintay pero wala pa rin ang pina­ngakong subsidy. Mistulang bulag at bingi raw ang mga opisyal ng LTFRB.

Ngayong araw na ito ay tumaas na naman ang diesel—mahigit P6.00 ang dagdag. Kaya naghihimutok na naman ang mga drayber sa panibagong pagtataas. Kung titigil naman­ daw sila sa pamamasada dahil sa kawalan ng kinikita ay baka lalo silang mawalan ng hanapbuhay dahil sususpendihin ang prangkisa ng kanilang minamanehong jeepney. Kaya sana raw marinig ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. ang kani­lang hinaing ukol sa sunud-sunod na oil price hike at sa pag­taas ng presyo ng pangunahing bilihin.

Samantala, patuloy naman ang pag-angkat ng bigas. Ina­prubahan na ni Agriculture Sec. William Dar ang pag-angkat ng bigas sa Thailand, Vietnam at India. Tapos na raw ang ani­han sa bansa kaya kukulangin ang suplay. Kamakailan lang inaprubahan din  ni Dar ang pag-angkat ng galunggong sa China. Kakapusin daw ang bansa sa suplay ng isda.

Wala nang iniisip si Dar kundi ang mag-import ng bigas at isda. Ang kawawa rito ay ang ating mga magsasaka. Sino ang bibili sa kanilang ani kung maraming imported na bigas sa merkado? Ayon naman sa mga magsasaka, hindi naman daw kakapusin ng bigas ang bansa dahil katatapos lang mag-ani. Dapat din daw masugpo ay ang smuggling ng agri pro­ducts dahil lalong pinapatay ang mga magsasaka.

Kaya ang panawagan nila kay Marcos na sana ay mapa­tigil na ang smuggling ng bigas at gulay. Namamayag­pag ang mga smuggler sa Manila Internation Container Port  (MICP) at Manila Souht Harbor dahil sa milyong pisong padulas sa mga corrupt na opisyales ng Bureau of Customs (BOC). Sana raw ay mawalis na ang mga corrupt na opisyal­ sa BOC at nang mahinto na ang smuggling ng agri pro­ducts. Kawawa naman ang mga local na magsasaka.

SMUGGLING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with