^

PSN Opinyon

Magtanim, mangisda pati sa siyudad — Dar (1)

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PINAGTATANIM tayong lahat ni Agriculture Sec. William Dar. Maski taga-siyudad. Magpalaki raw ng isda at ibang pagkaing hayop. ‘Yan daw ang sagot sa napipintong global food shortage.

Karamihan sa taga-siyudad ay bihasa sa trabahong industriya, pero walang alam sa pananim, pangisda at paghahayop. Nakatira sila sa barong-barong o high-rise. Bawal mag-poultry at piggery sa lungsod. “Saan ako mag-aalaga ng mga paborito kong kainin—hipon at baboy?” patawang tanong ni DJ Chacha kay Ted Failon sa OnePh/TV5.

Apat ang sanhi ng krisis: pandemya, Ukraine war, climate change, mahal na krudo. Tumumal ang kalakalan ng makinaryang pananim at pangisda dahil sa COVID-19. Kumonti ang fertilizer sa mundo nu’ng linusob ng Russia ang Ukraine. Nitrogen ang pangunahing sangkap ng fertilizer. Nakukuha ‘yon sa natural gas na minimina ng dalawang bansa. Dahil sa sea blockades hindi nila maibarko ang nitrogen.

Inantala ng Russian invasion ang pagtanim ng trigo na Ukraine ang isa sa pinakamalaking producer. Binaha ang malalaking taniman ng trigo sa China habang tinuyot ang mga ‘yon ng heat wave sa India. Magkaka-shortage ng trigo sa mundo, babala ng United Nations. Babago ang tao sa ibang butil, lalo na kanin. Mag-uunahan ang mayayamang bansa na bumili ng bigas sa India; hecha-pwera ang ­pulubing Pilipinas.

Hindi makakahingi ng tulong ang Pilipinas sa mga kapit-bansang binibilhan ng bigas: Vietnam, Thailand, Cambodia, Myanmar. Bagsak din ang ani nila. Binaling kasi ng 13 dams ng China ang tubig ng Mekong River papunta sa sariling bukirin. Natuyot tuloy ang mga palayan at palaisdaan sa Mekong delta.

Sagana sana sa pagkain ang Pilipinas. Pero kapos sa tanim, asukal, isda, manok, baboy, atbp. Bakit? Tanungin si Dar. (Itutuloy bukas)

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM)

AGRICULTURE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with