^

PSN Opinyon

Mga ahensiya ng gobyerno, nagtulungan vs e-sabong!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nagtulungan na ang mga ahensiya ng gobyerno para permanenteng mapatigil na itong salot sa lipunan na e-sabong. Ang Pagcor, DILG, PNP, NBI at BSP ay kumilos na para matuldukan ang e-sabong na itinuturong dahilan sa pagkalulong ng mga Pinoy sa bisyo at sinisira ang kina­bukasan ng mga kabataan.

Subalit kahit anong pananakot at paliwanag pa ang ginawa ng mga ahensiya ng gobyerno, inamin ni DILG spokesman Jonathan Malaya na patuloy pang nag-ope­rate ang mga gerilya na e-sabong sa Pinas at siyempre ang napapahiya ay si President Digong na nag-utos na ipasara ito noong Mayo 3. Sobrang laki talaga ang kita dito sa e-sabong at mukhang kayang-kaya ng operators ng gerilya operation ang multa, kung meron man, di ba mga kosa? Dipugaaaaa.

Kung sabagay, bilang na ang araw ng e-sabong kapag nahagip sila ng mga nabanggit na ahensiya ng gob­yerno. Hak hak hak! Hindi rin maganda ang kahihinatnan ng e-sabong sa administrasyon ni President Bongbong Marcos! Tumpak!

Na-monitor ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ng PNP na patuloy ang operasyon ng 12 e- sabong at walong social­ media pages kahit ibinando na ni President Digong na itigil na ang naturang palaro. Ayon kay Lt. Michelle Sabino, hepe ng ACG public information office,  sa 12 websites na natukoy ng PNP dalawa ang nakarehistro sa Pilipinas na may operators at administrators habang ang 10 ay nasa ibang bansa.

Ayon kay Malaya, isinumite na nila sa Meta ang listahan­ ng Facebook pages, groups, accounts at site na nagpo-pro­mote ng illegal online sabong subalit wala pang aksiyon ang management nito hanggang nitong Laging Handa briefing noong Miyerkules. Iginiit ni Malaya na hindi lang ang batas ng Pinas ang nilabag nitong gerilya e-sabong operations kundi maging ang community standards ng Facebook. Dipugaaaaa!

Ayon kay Malaya pinag-aralan ng kanilang abogado kung anong action ang gagawin vs Facebook kapag patuloy nitong balewalain ang kanilang kahilingan. Hak hak hak! Ang pitong accounts ng malalaking e-sabong operators ay nagsara kaagad matapos ang kautusan ni President Digong subalit itong gerilya operations ay isnab lang. Mismooooo!

Maging si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno ay sumali rin sa paglutas ng problema ng e-sabong sa pag-utos sa banking, securities, finance at insurance groups na huwag tangkilikin ang ilegal na sugal. Aniya, dapat i-disable ang lahat ng link ng e-sabong accounts at e-money wallets, pati na ang e-sabong merchant operator accounts sa loob ng 30 days. Dipugaaaaa! Hak hak hak!

Kung wala nang paraan para tumaya at bayaran kapag nanalo, paano na lang mag-operate itong e-sabong? Mismooooo! Abangan!

SABONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with