^

PSN Opinyon

Babala sa riding-in-tandem

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Halos araw-araw problema ng mga kapulisan ang mga riding-in-tandem, kasi karamihan ay sangkot sa pagpatay, snaching, holdapan at carnapping. Subalit hindi naman sa lahat ng oras ay nakakalusot itong mga salarin sa mga bitag o patibong ng mga pulis. Katulad na lamang sa naganap na pag-aresto sa dalawang kilabot na carnapper na luminya sa Maynila.

Ayon kay  Manila Police District-Sta Cruz Police Station­ Commander P/LtCol. John Guiagui nasorpresa ang dala­wang kilabot na carnapper na sina Jerome Manapat at Marly Gomez nang masita sa isang check point. Nang masita ng mga tauhan ni Guiagui ay humarurot ito palayo kung kaya hinabol ito hanggang sa masukol.

Hinanapan sila ng papeles at ng walang maipakita ay doon na nirekesa ang motor at katawan ng mga suspek­. Nabisto ang kalibre 38 na baril na may anim na bala. Dinala ang mga suspek sa precinto at doon ininterogate dahil malaki ang hinala ni Guiagui na sangkot ang mga ito sa talamak na nakawan ng matorsiklo.

Umamin naman ang dalawa na sila ang nakunan ng CCTV sa lugar ng Bgy. 82 sa Tondo, Barangay 403 sa Sampaloc at ang huli ay itong sa may Gastambide, Maynila. Sa pagtatanong ni Guiagui sa dalawang suspek, walang kagatul-gatol na umamin ang mga ito na sila ang nakunan sa CCTV na kumuha ng mga motorsiklo. Ang matinde pa nito nagbigay pa sila ng tips sa mga may ari ng motor na papalitan agad ng desk lock ang mga bagong motorsiklo dahil madali lang itong mapaandar gamit ang pen lock o universal key.

Iparada umano sa safety na lugar at kung maari ay lagyan ng kandado upang hindi agad madistrungka. Kaya’t sa pangyayaring pag-amin nito tiyak na kakalawangin na sila sa rehas na bakal dahil ang kakaharapin nilang asunto ay carnapping, illegal possesion of firearms at Comelec gun ban. Isang malaking accomplishment na naman ito ni Guiagui0. Kaya may payo si Guiagui sa mga gumagawa ng krimen o carnapping na magisip-isip muna bago gumawa ng krimen.

Ayon kay Guiagui hindi natutulog sa pancitan at oras na matsambahan kayo, tiyak na may kalalagyan kayo sa kamay ng batas.  Samantala, puspusan na ang paghahanda ng mga tauhan ng National Museum at ng Department of Public Works and Highways sa pagdadarausan ng inaguration ni President elect Ferdinand “Bongbong” Marcos sa darating na June 30 ng tanghali.

Maging ang Manila Police District sa ilalim ng pamumuno ni BGen. Leo Francisco ay inihahanda narin ang security deployment sa lugar upang masigurong ligtas ang lahat sab anta ng mga terorismo at mga raliyesta. Kaya asahan po na magiging matrapik ang naturang lugar, subalit may mga kalye naman na inaaral sa ngayon upang doon paraanin ang lahat ng mga sasakyan upang makaiwas sa pagsisikip ng trapino.

RIDING IN TANDEM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with