^

PSN Opinyon

Taiwan at China

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Pag-Usapan natin ang Taiwan. Sa kasalukuyan, 14 na bansa lang, kabilang ang Vatican City, ang kumikilala sa Taiwan bilang isang soberanyang bansa. Ngunit hindi miyembro ng UN ang Taiwan kahit pumasa ito sa ilang kuwalipikasyon para makilala dahil sa isang bansa—ang China. Magmula nang tumiwalag ang Taiwan sa China matapos ang isang madugong digmaang-sibil, lumikha ng sariling gobyerno, militar, at ekonomiya. Ngunit sa mata ng Beijing, bahagi pa rin ng China ang Taiwan.

Dahil dito, nagkakaroon ng kalituhan o kaguluhan minsan­. Maraming bansa ang kumilala sa Taiwan sa umpisa. Pero dahil sa impluwensiya ng China, unti-unting binawi. China nga ang dahilan kung bakit hindi makakapasok ang Taiwan sa UN dahil kailangan ng boto ng limamg permanenteng miyembro ng UN Security Council bago makapasok. Ang mga miyembro ay U.S., UK, France, Russia at China pero sa tingin ko dapat tanggalin na ang Russia sa grupong iyan.

Hinding-hindi makukuha ng Taiwan ang boto ng China. Kaya ang ginagawa na lang ng maramng bansa ay magkaroon ng diplomatikong relasyon sa Taiwan habang nana­natiling One-China Policy pa rin. Sa madaling salita, para hindi na lang magalit ang China. Sa totoo lang, tila hawak ng Russia at China ang mundo sa leeg.

Pero kahit ganyan ang relasyon ng U.S. sa Taiwan, ma­lakas na magkaalyado ang dalawang bansa. Ang Amerika ang pangunahing supplier ng gamit militar at sandata sa Taiwan. Kailan lang ay nagpahayag si U.S. President Joe Biden na kung sakaling salakayin sila ng China, ipagta­tanggol sila. Ito ang dahilan ng tensyon ng U.S. at China. Maaaring ito rin ang dahilan kung bakit hindi pa kumi­kilos ang China. Siguradong binabantayan din nang mabuti ng China ang nagaganap sa Ukraine. Kung paano rumesponde ang mundo sa ginawanag pagsalakay ng Russia sa Ukraine.

Sa Hunyo 29 hanggang Agosto 4, magaganap ang Rim of the Pacific Exercises (RIMPAC) na pangungunahan ng U.S., Japan, Australia, India, Pilipinas. Malaysia, Brunei, Indonesia at Singapore. Ito na ang pinakamalaking exercises sa karagatan na siguradong babantayan ng China. Maaaring pakitang-lakas ito ng mga magkakaalyadong bansa.

vuukle comment

CHINA

TAIWAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with