^

PSN Opinyon

Robredo binati na si Sara, sana pati si Bongbong

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

All’s well that ends well!

Ito sana ang maging wakas ng krisis sa pulitika na dina­ranas natin ngayon. Ibig kong sabihin, ang mahinahong pagkilala sa mga nagwaging kandidato sa nagdaang ha­lalan.

Binati na ni Vice President Leni Robredo ang nanalong Vice President na si Sara Duterte. Sana, batiin na rin niya si Ferdinand “Bongbong” Marcos na tumalo sa kanya sa nakaraang halalan sa pagka-pangulo.

Naunang hiniling ni Sara kay Robredo na magkaroon sila ng pag-uusap hinggil sa turnover ng opisina ng bise presidente sa kanya. At bilang tugon, inihayag ni Robredo ang kanyang pagkilala kay Sara bilang pang-15 bise pre­sidente ng bansa.

Wala man siyang sinasabi hinggil sa panalo ni Marcos, ang kawalan ng acknowledgement ni Robredo sa pagwawagi ng una ay lalong magpapaigting sa nakatanim sa isip ng mga kapanalig niya na may pandaraya sa nakalipas na eleksyon. Habang umiiral ang ganitong kaisipan sa isip nang marami, magiging magulo ang takbo ng pulitika sa bansa.

Tiyak, apektado ang maayos na pamamalakad sa pa­m­a­halaan. The success of any leader is highly dependent­ on the cooperation of the people. Sabi ko nga noon pa, kung tutol tayong mga nagsiboto kay Robredo na maging presidente si Marcos, ngayong inihalal siya ng nakarara­ming mamamayan ay  tanggapin natin ito with reservation.

Gampanan ng oposisyon ang papel nito na sumuporta sa tama at kumondena sa mali at tiwaling makikita sa pama­malakad ni Marcos Jr.

vuukle comment

BBM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with