^

PSN Opinyon

Pagtaas ng buwis  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

UMAALMA ang sector ng manggagawa sa pahayag ni incoming Finance secretary Benjamin Diokno na tataasan ang buwis upang makalikom ang Marcos administration ng pambayad sa utang na minana sa Duterte Adminis­tration. Ang utang ng bansa ay P13 trilyon na ginamit umano­ ng pamahalaang Duterte na pambili ng COVID vaccine. Sa ngayon, unti-unti nang bumabangon ang negosyo at unti-unti na ring dumarami ang nagkakaroon ng hanapbuhay kung kaya nabawasan na ang mga nagugutom na kababayan.

Kapag natuloy ang pagtataas ng tax na balak ni Diokno­, matatapyasan na naman ang kinikita ng mga mangga­gawa. Kaya ngayon pa lang, unti-unti nang nag-iingay ang mga manggagawa. Pero sabi naman ni president-elect Fer­dinand Marcos Jr., hindi manggagaling sa low income earners ang mataas na tax. Pinag-aaralan na umano ng economic team ni Marcos ang win-win solution sa pagpataw ng tax upang hindi maapektuhan ang mga mahihirap na manggagawa.

Ayon sa mga ekonomista ni Marcos, hindi matutulad­ ang Pilipinas sa Sri Lanka. Nagkakagulo ngayon sa Sri Lanka, dahil nabaon sa maling utang ang kanilang pama­halaan. Maraming Pinoy sa Sri Lanka ang apektado ng kaguluhan­ doon. Gumagawa na ng hakbang ang pamahalaan upang saklolohan ang mga Pinoy sa Sri Lanka.

Samantala, sinabi ni Agriculture Sec. William Dar na aprubado na ang importation ng galunggong sa China. Ayon kay Dar, nagkaroon umano ng kakapusan sa galung­gong dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette noong Disyembre 2021.

Sabi pa ni Dar kapag naputol ang importation ay magkakaroon ng food crisis sa bansa sa huling bahagi ng 2022. Kailangang punuan ang kakulangan sa isda. Subalit sabi ng magsasaka, sapat naman ang ani kaya malabong magkaroon ng food crisis. Maraming aning palay, gulay at sagana sa isda ngayon.

Ang dapat umanong harapin ni Dar ay ang patuloy na pagtaas ng fertilizer, insecticide, feeds at ang pagbibigay ng tulong sa mga mangingisda na nawasak ang mga bangka matapos humagupit ang Bagyong Odette.

Samantala, sinabi ni Marcos Jr. na nasa plataporma niya ang pagbawi sa ating karagatan. Subalit hindi ito madaling bawiin dahil dadaan pa tayo sa butas ng karayom bago maisakatuparan. Ang importante ay magkaroon ng magaling na Agriculture secretary upang matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda.

Sinabi rin ni Marcos na hahabulin ang mga korap sa pamahalaan. Gaya nang nangyayaring korapsiyon sa Bureau of Customs (BOC) na hanggang ngayon at patuloy ang smuggling. Ang kawawa sa nangyayaring smuggling ay mga local na magsasaka at mangingisda dahil hindi na nabibili ang kanilang mga ani.

Sa Benguet, ipinagbibili na lang ng P10 per kilo ang carrots. Bumabaha ang imported carrots kaya kawawa ang local na magsasaka ng gulay. Sana sa pag-upo ni Marcos ay malipol na ang mg korao sa BOC at DA. Abangan!

TAX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with