^

PSN Opinyon

E-sabong ni Atong Ang, ipinabusisi ng Senado!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nanganganib na mauwi lang sa wala ang bilyones na kinita ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang sa e-sabong. Ito ay matapos irekomenda ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na busisiing maigi ang e-sabong firm ni Ang na Lucky 8 Star Quest dahil sa kaso ng mga missing sabungeros.

Kaya nais ni Sen. Bato na diinan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection­ Group (CIDG) ng PNP ang imbestigasyon nila laban kay Ang dahil palaging nababanggit ang pangalan niya sa Senate­ hearing at mga operators ng cockfighting arenas sa Manila, Laguna­ at Batangas kung saan ang mga missing sabu­ngeros ay huling nakita.

Kung sabagay, hindi lang naman kay Ang mainit si Sen. Bato kundi maging kina Atty. Angelo Nino Santos, president of Lucky 8 Star Quest Inc. at iba pang opisyales ng korpo­rasyon at arenas kung saan ginaganap ang e-sabong. Mis­mooooo! Hak hak hak!

Tiyak mag-iingay na naman si Mam Gretchen Baretto­ na kinutya si Sen. Bato sa social media? Dipugaaaaa!
Sa nakaraang Senate hearing, kinondina ni Ang ang tina­tawag n’yang “trial by publicity” ng Senado laban sa kanyang kompanya. Itinuro n’ya ang mga karibal n’ya sa e-sabong na negosyo, kabilang na ang dating PNP chief, mga pulitiko at gambling lord, na naiinggit sa kita ng kanyang opisina.

Iginiit pa ni Ang na ang kanyang korporasyon ay hindi kaparte ng betting transactions sa e-sabong kundi nagbo-broadcast lang sila ng palaro. Wala silang pakialam sa mga nanalo o natatalo sa laban ng manok, aniya. Dipugaaaaa! Hak hak hak!

Hugas kamay din si Boss Atong na umamin na umaabot sa P2 bilyon ang taya sa kanyang e-sabong sa isang 24 hours na operation. Mismooooo!

Umamin naman si Atty. Santos na ang arenas kung saan “nawala na parang bula” ang mga sabungeros ay nasa ilalim ng management at operation ng Lucky 8. “The President of Lucky 8 Star Quest Inc. himself testified during the Committee hearing that they manage and operate the cockpit arenas, and even hold events, where the missing individuals disappeared. The corporation did not also deny that the security personnel inside their arenas, who were allegedly identified by some of the witnesses, were the same persons who detained the missing individuals are employed by them,” anang report ni Sen. Bato, na isiniwalat sa website ng Senado. Tsk tsk tsk!

Maaga pa para husgahan itong sina Ang, Santos at iba pang kursunada ni Sen. Bato, di ba mga kosa? Mismooooo! Hak hak hak! Wait natin ang madiinang imbestigasyon ng NBI at CIDG at t’yak «the truth shall prevail» sa kaso ng missing sabungeros. Dipugaaaaa! Abangan!

SABONG

SENADO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with