^

PSN Opinyon

Patunay na nagaganap nga

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

“VOTE-BUYING spree drives mobile phone sales”. Ito ang artikulong lumabas sa isang pahayagan noong Mayo 15. Ano pa ba ang masasabi niyan kundi nagaganap ang pagbili ng boto at mali ang mga prayoridad ng Pilipino. Nangyari ito sa Surigao del Sur kung saan sa loob ng dalawang magkasunod na araw pagkatapos ng halalan ay halos nalimas ang mga tindang cell phone sa tatlong mall sa lugar. Hindi man lang nilihim kung saan galing umano ang mga pinambili at nagbibiruan pa. Hindi ako magtuturo kung saan nanggaling ang pera. Patunay lang na nagaganap nga ang vote-buying sa Pilipinas.

 Para sa mga nakatanggap ng suhol, mas mahalaga ang cell phone kaysa pagkain, pambayad ng upa, kuryente, tubig o magtabi o mag-ipon. Mas kailangang bumili ng cell phone. Masabi ko lang na kung sinumang kandidato ang gumagawa nito para manalo ay kahiya-hiya. Ibig sabihin kung walang suhol, hindi siya mananalo. Hindi rin matanto ng mga tumanggap na kailangang bawiin ng kandidato ang kanilang nilabas na pera at magagawa lang iyan sa pama­magitan ng korapsiyon, katiwalian o pandarambong. Ngunit sino ang nagmamalasakit? Basta’t may bagong cell phone hindi ba?

Lumipas muli ang isang halalan. Ganun pa rin bumoto ang karamihan ng Pilipino. Ganap na nakatanim sa kara­mihan ang mga sukatan sa pagpili ng kandidato. Pera, liba­ngan, at aliwan ang nagdadala ng mga boto. Sa huling dala­wang halalan, may mga bagong armas na lumitaw. Ito ang pagkalat ng maling impormasyon at pekeng balita sa pamamagitan ng social media. At ito ay naging laganap sa mga buwan bago ang halalan noong Mayo 9.

Isang halimbawa ay ang post ng piloto sa Cebu Pacific na nag-utos umano si Vice President Leni Robredo ng prio­rity landing noong Abril na naging sanhi ng paglipat ng flight sa ibang paliparan. Naabala raw ang maraming pasahero. Inamin ng piloto na ang kanyang pahayag ay walang batayan at “purely speculative.” Ang piloto ay nasa ilalim umano ng disciplinary review.

Pinabulaanan din ng Tanggapan ng Vice President ang alegasyon at sinabing may malisya sa likod nito. Kinumpirma­ rin ng ilang mga nagbabantay ng mga ganyang post sa social media na hindi nangyari ang insidente. Gayunpaman, patuloy na nagpapakalat ng kasinungalingan ang mga taga­suporta ng nanalong kandidato sa pagka-presidente. Sinasabi pa nga na napilitan lang daw ang piloto na bawiin ang kanyang pahayag para hindi masampahan ng kaso ang kompanya.

Nakapagtataka na walang pasahero ang lumutang para kumpirmahin ang paratang ng piloto. At puwedeng tanungin naman sa NAIA kung may naganap ngang paglihis ng flight. Napakadaling suriin ang fake news at gayon pa man, ang mga tagasuporta ay mas maniniwala sa anumang masamang pahayag tungkol sa ibang kandidato Ito ang dapat sanang mabago sa pag-iisip ng mga botante. Good luck na lang sa atin.

VOTE BUYING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with