^

PSN Opinyon

Proud Makatizens, ‘wag kalimutang magpa-second booster shot!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Habang unti-unting tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa, muli kaming magpapaalala na magdoble ingat­ ang lahat ng Makatizens. Huwag sanang maging kampante­ sa pagpunta sa mga matataong lugar at palagi pa ring sundin ang minimum health requirements katulad ng pag­susuot ng face mask, social distancing, at paghuhugas o pagsa-sanitize ng kamay.

Bagama’t naabot na ng Makati ang ating target sa pagbabakuna at maaga nating nakamit ang herd immunity, hindi ibig sabihin nito na hindi tayo dadapuan ng coronavirus.

Sa ngayon, nagbibigay na tayo ng ikaapat na dose ng bakuna o second booster shot para sa mga Makatizens na nabibilang sa A1 and A2 category. Ito ang frontliners at essential workers at ang ating senior citizens.

Hinihikayat ko po ang lahat ng nasa mga kategoryang ito na magtungo na agad sa ating mga Bakuna Makati sites upang magkaroon ng dagdag proteksyon laban sa CO­VID-19. Patuloy na nagkakaroon ng bagong strain o va­riant ang virus na ito, at tanging mga bakuna at ibayong pag-iingat lamang ang makakatulong para hindi na muling mag­kasakit ang mga nagkaroon na, lalo na ang mga nasa vul­nerable groups.

Inaantabayanan pa po natin ang rollout ng second booster dose sa iba pang categories pati na rin po sa mga batang edad 5 to 11 at 12 to 17 years old. Asahan po ninyong mag-aanunsyo kami agad kapag mayroon nang available na booster dose para sa ating mga anak.

Ayon sa pinakabagong datos ng Makati Health Depart­ment, mahigit 80% na po ng total population ng Makati ang nabakunahan. Nasa 543,771 indibiduwal ang fully vac­cina­ted, at 561,034 naman ang nakakuha na ng first dose.

Samantala, 247,091 na ang may unang booster shot at 312 ang nakakuha na ng una at ikalawang booster shot.

Maaari pa ring magpa-register at schedule ng bakuna sa www.covid19vaccine.safemakati.com kung nagpabakuna­ sa ibang lugar at gustong kumuha ng second booster sa Makati. Samantala, sa mga dati nang nakapagbakuna sa lungsod, narito ang schedules ng ating Bakuna Makati vaccination sites:

Watsons, SM Makati: Tuesday to Thursday, 10 am to 6pm;

Ayala Malls Circuit at San Lorenzo Place Mall: Tuesday to Saturday, 10 am to 6pm; Cembo Health Center, East Rembo Health Center, San Isidro Health Center, at Rizal Health Center: Monday to Friday 8 am to 5pm.

Siguraduhin lamang na mayroon nang apat na buwan ang pagitan ng inyong first at second booster.

Bagamat back to normal na ating pamumuhay, laging nandiyan ang banta ng coronavirus at posibleng mga lockdown. Ang tanging puwedeng gawin ay ingatan ang sarili at palakasin ang katawan laban sa sakit sa pamamagitan ng bakuna, pagkain ng masustansya, pag-inom ng vitamins at pag-eehersisyo.

Nandito kami para tulungan ang lahat ng Makatizens na manatiling malakas, malusog, at ligtas sa anumang uri ng banta sa ating kalusugan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with