^

PSN Opinyon

Problema sa e-sabong, inihambing ni BBM sa droga!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nihambing ni president-elect Bongbong Marcos ang prob­le­mang dulot ng e-sabong sa droga. Kung sa droga ay naa­­adik ang mga Pinoy ganundin sa e-sabong, ani BBM sa isang TV interview. ‘‘Kasi parang drugs ‘yan, wala naman halos kaibahan. It’s an addiction din ang pagsugal so nasisira nga ang pamilya,’’ ang giit ni BBM, na nagakong ipagpatuloy ang kampanya ni President Digong kontra droga.

Sinabi ni BBM na ang mga asawa ng mahilig sa talpakan ay kalimitan nagrereklamo kasi bawas na ang inuuwing pera ng husband dahil nauubos o nagamit sa pusta sa e-sabong. At ang isa pang bagay, ang mga bata na basta may hawak na celfone ay nakakataya pa, aniya. Ikinuwento pa ni BBM na may mga kaibigan s’yang negosyante na nagsisibak na ng mga tauhan na naadik sa e-sabong dahil nagnanakaw na para may pantaya. Araguuyyyyy!

Itong mga isyung binanggit ni BBM ay lumitaw matapos sumulpot ang kaso ng 34 missing sabungeros na hanggang sa ngayon ay wala pang linaw. Lumalabas sa mga hearing, aniya, na itong missing sabungeros ay mga fixer na niluluto ang resulta ng mga e-sabong. Dipugaaaaa! Lumalabas sa pag-aaral ng kampo ni BBM na may social cost na ang e-sabong kaya kailangang tuldukan na. Araguuyyyyy! Hak hak hak!

Iginiit ni Atty. Vic Rodriguez, spokesman ni BBM, na itong e-sabong ay hindi magiging source ng funding ng kanyang administration. Araykupooooo!

Itong e-sabong ay ipinasara ni President Digong noong Mayo 3 dahil sa hindi maawat na isyu ng patayan. Lalong pinaghigpit ng PNP ang kampanya laban sa gerilya operation­ ng e-sabong ng nakaraang linggo bunga sa patuloy nitong operation at ipinapahiya si President Digong. Kung mapa­buksan man ang e-sabong sa administration ni BBM, nais n’yang mai-regulate ito. Ipinaliwanag ni BBM na hindi dapat maging 24/7 ito o buong araw tulad ng dati kundi tuwing weekends na lang. Paktay! Ano ba ‘yan?

At higit sa lahat maaring gagawing digital ang palaro su­balit, ayaw ni BBM na pati bata ay tataya sa e-sabong. Hak hak hak! Parang nakikita ko na nanlalambot ang mga ope­rators ng e-sabong dito sa plano ni BBM. Ano kaya ang reaction dito ng mga e-sabong operators na sina Charlie “Atong” Ang at Bong Pineda? Hak hak hak! Goodbye na lang sa bilyones na kita sa e-sabong. Hihihi! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Iginiit naman ni Atty. Rodriguez na walang balak si BBM na i-tap ang e-sabong bilang source ng pondo ng gobyerno «if it will compromise the value of [the] Filipino family.» «So even if the potential revenue, not just for e-sabong but for any industry, is really enticing, if it will compromise the moral fiber of the youth, if it will compromise the value of Filipino family, president-elect Bongbong is more than willing to let go of that lucrative source of revenue,» ani Rodriguez.

Kaya dapat sigurong maghanap na ng ibang negosyo itong mga operators ng e-sabong dahil sumisikip na ang kuwadra nila dahil sa simpleng pagkakamali sa kaso ng missing sabungeros. Dipugaaaaa! Hak hak hak! May katapusan talaga ang lahat ng suwerte, no mga kosa? Mismooooo! Abangan!

BBM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with