^

PSN Opinyon

Ituloy ang laban sa kadiliman…

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Tapos na ang eleksiyon at may nanalo na. Pero may mga natalong patuloy pa ring nagpuprotesta at ayaw tang­gapin ang naging desisyon ng sambayanang Pilipino.

Ang masaklap, pati alagad ng Diyos, ginagamit ang taha­­nan ng Panginoon sa larangan ng pulitika.

Sa halip na gamitin ang pulpito sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagtuturo ng salita ng Diyos, kinakasangkapan sa pagbuwelta sa papasok pa lamang na adminis­trasyon.

Sa sinabi kamakailan ni Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) President Bishop Pablo David matapos ang resulta ng bilangan: we must learn not to give up even on people who have been seduced by darkness.”

Kulang na lang sabihin, kayong 31 milyon mga botante na bumoto kay incoming president-elect Bongbong Marcos ang mga tagapagtaguyod ng kadiliman. Na para bang kayong 31 milyong Pilipino na naakit bumoto kaya BBM ang tagapagtaguyod ng kasamaan—wala kayong pag-asa sa buhay na walang hanggan. Hindi makakaakyat sa langit at sa dagat-dagatang apoy lang nararapat.

Paalala pa ni Bishop, ituloy lang ng mga nagsusulong ng liwanag (agents of light) ang laban sa mga tagapagtaguyod ng dilim (agents of darkness). Ito raw ay labanan ni Kristo at Satanas, katotohanan at kasinungalingan na resulta ng social media.

Kumbaga natalo ang kanilang manok dahil sa misinfor­mation at disinformation ng social media na nagpanalo sa kabilang partido. At dahil sa mga pangyayaring ito, muling nadiskubre ang pangangailangan ng tinatawag na “people power”.

Kailangan lamang payabungin sa pamamagitan ng mga planado at organisadong malawakang kilos protesta.

Ang kilusang ito ay hindi lamang magbibigay ng proteksyon sa mga institusyong demokratiko, manapa’y magpapalakas sa komunidad tungo sa pagkakaroon ng “political maturity” ng bansa—kaya tuloy ang laban.

Hmmm. Tanong tuloy ni Mang Igme sa akin, “Boss Ben, ito kaya ang ibig sabihin ni Bishop David sa kanyang sermon?”

vuukle comment

CBCP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with