^

PSN Opinyon

Mga payo sa mag-aaral  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NARITO ang ilang tips sa mga estudyante kung paano nila matatandaan ang kanilang mga aralin.

1. Ilista ang pinag-aaralan. Para matandaan ang lek­siyon, mas madali kung ililista mo ang iyong inaaral. Madali matandaan kapag nakalista ng 1, 2 at 3 ang iyong mine-memorya.

2. Gumawa ng kodigo. Kunin ang unang letra ng iyong gustong tandaan. Halimbawa, kung kailangan mong tandaan ang Pasig river at Marikina river. Tandaan na lang ang P at M. Kaya PM ang magiging kodigo mo.

3. Markahan ang iyong libro. Ang libro ay dapat minamarkahan. Ito ang paraan para matandaan mo ang iyong inaaral. Kung hindi sa iyo ang libro ay gumawa ka na lang ng mga index cards, kung saan isusulat mo ang mga impor­tanteng detalye.

4. Ilarawan mo. Kung kaya mong ilarawan ang lek­siyon, mas madali mo itong matatandaan. Kung gustong tandaan kung nasaan ang Leyte, ilarawan mo ito na may Cebu sa kaliwa at Eastern Samar sa kanan.

5. Mag-review nang paulit-ulit. Ang tamang pag-aaral ay iyong paulit-ulit. Kahit sino ay hindi kayang mag-me­morya sa isang basahan lang. Basahin ang leksiyon bawat linggo para hindi mawala sa isipan.

6. Magdesisyon na mag-aaral. Kung ilalagay mo ang iyong emosyon at buong puso sa pag-aaral, siguradong papasa ka. Isipin mo ang pagkakataong na-in love ka, napa­galitan ka o pinuri ka ng titser. Hindi ba’t tandang-tanda mo ang lahat ng detalye ng pangyayari? Ito’y dahil may emos­yon noon at nakaukit na ito sa iyong utak at puso.

7. Mag-aral bago matulog. Malaking bagay ang pag-aaral bago matulog. Mas maganda pa nga kung mapanagi­nipan mo ang iyong leksiyon. Ang ibig sabihin nito ay gumagana ang iyong utak (subconscious mind) para matandaan ang leksiyon. Paggising mo ay magugulat ka dahil naalala mo lahat ng iyong inaral.

8. Maging healthy. Ito ang pinakamahalagang payo. Kumain ng masustansiya. Mag-ehersisyo at matulog ng sapat.

9. Puwedeng kumain ng mani dahil may tulong ito sa utak. May tulong din ang mga omega-3 fish oil supplements at multivitamins.

10. Magdasal. At siyempre, bukod sa pag-aaral ay dapat din tayong magdasal. Sa tulong ng Diyos at sa iyong pagsisikap, magiging matagumpay ka sa iyong buhay. Good luck!

STUDENTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with