^

PSN Opinyon

Fear mongerers in action

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

May katanungan ang aking pilyong pag-iisip. Bakit kaya presumptive at hindi incoming president-elect ang gamit ng media sa pag-address kay Bongbong Marcos?

Umaandar tuloy ang aking pagiging pilosopo. May dalawang sirkumstansiya o pagkakataon na pagkatapos ng proklamasyon ay may maaaring maganap kaya presumptive o inaakala o ipinapalagay ang pangulo ng Pilipinas.

‘Wag naman sanang mangyari pero ang una ay natural causes, lahat naman tayo ay pumapanaw sa mundong ito. Ikalawa, aksidente — accidental death o violent death na kung tawagin ay “circumstances”.

Ito nga kaya ang ginagawang batayan ng iba kaya ginamit ang salitang “presumptive president?’’ Hangga’t walang proklamasyon, presumptive president pa rin ang tawag dahil sa dalawang nabanggit na sirkumstansiya.

Ito ang tinatawag na “confluence of events” o mga pangyayari bago naganap at pagkatapos ng eleksiyon. Gamitin na kasi ang salitang incoming president o president elect katulad sa mga ibang nanalong kandidato noon. Si BBM naman ay nanalong kandidato rin, landslide, tambak pa nga ang kalaban.

O, sa mga tatamaan—hindi ko trabaho na tuligsain ang aking mga kauri o kasama sa hanapbuhay na para bang ipinakikita ko na magaling ako sa kanila. Ako’y naninindigan lamang sa ­palagay ko na tama. Eto nga lang na papasok na ad­ministrasyong Marcos, iba ang pagtanggap ng karamihan sa media.

Ang kanilang paglalarawan ay malungkot, makulimlim, tag-ulan. May kasabihan na ang utak ng tao ay parang hardin, depende kung ano ang tanim mo diyan—mga bulaklak ba ‘yan o mga damo. Mga balita nila—maligalig daw ang mga dayuhang investor dahil hanggang ngayon ay hindi pa buo ang tinatawag na “economic team” ni BBM. Hindi sila makapag-antay pero sinisisi na ‘yung tao na para bang hindi na talaga karapat-dapat. Na walang kumpiyansa ang foreign investor kay BBM kaya maligalig sila.

Fear mongerers are in action, sila ang nagpapakalat ng takot sa mga tao. Itong mga taong ‘to, naghahanap ng kadamay dahil sila ay mga talunan.

BONGBONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with