^

PSN Opinyon

Si Inday Sara at Benhur Abalos

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Tinanggap na ni incoming vice president Sara Duterte na maging secretary ng Department of Education (DepEd). Nais ni Sara na mapataas ang antas ng edukasyon sa bansa upang mapaangat ang kinabukasan ng mga kaba­taan. Kilala siyang magaling na mayor ng Davao City kaya ang pag-angat ng ekonomiya ng lungsod ay hindi na nalalayo sa Metro Manila. Noon kasing nanunungkulan pa siyang mayor pinagkakatutukan ni Sara ang peace and order ng lungsod kaya kaliwa’t kanan ang pagpasok ng investors na nagbigay nang maraming trabaho. Mahigpit din niyang pinakakatutukan ang pagsugpo ng droga na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan. Kaya hindi kaila sa sambayanan ang kanyang mabubuting programa na naging giya para iboto siya ng 31 milyong botante sa nakalipas na eleksiyon.

Pinili naman ni incoming President Bongbong Marcos si dating Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjur Abalos na maging DILG secretary. Dating­ mayor ng Mandaluyong si Abalos. Sa magandang pama­malakad ni Abalos yumabong ang kalakalan sa Manda­luyong kaya maraming nagkaroon ng trabaho. Sa pamamalakad niya nakilala ang Mandaluyong na “Tiger City” ng Metro Manila. Kaya sa pag-upo niya sa Hulyo tiyak na maraming pagbabago sa DILG. Kaya sa mga matitigas ang ulong traditional politicians, mag-isip-isip na kayo bago gamitin ang inyong kapangyarihan sa local govern­ment units!

At dahil ang PNP ay nasa ilalim ng DILG, tiyak na ma­raming pulis ang mahuhubaran ng uniporme at mawawalis. Nitong mga nakalipas na buwan bago mag-election, sangkaterbang katarantaduhan ang ginawa ng mga bugok na pulis. Nariyan ang mga patong sa sugalan, pera-perang pananalakay sa mga sabungan, pamamaril sa karibal sa pag-ibig at pagkasangkot sa holdapan. Bilang na ang araw ng mga pulis na ito kay Abalos.

Sana, mabigyan ng katarungan ni Abalos ang pagkawala ng 31 sabungeros. Mabuti naman at ipinasara na e-sabong, dahil maraming pamilya ang nasira ang buhay dahil dito. Sana mapalitan na ang secretaries Department of Health at Department of Agriculture (DA).

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with