^

PSN Opinyon

BBM, makikipagbuno sa maraming kalaban

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sa pagluklok ni Ferdinand Marcos, Jr. bilang ika-17 presi­dente, tiyak na makikipagbuno siya sa maraming kalaban na magtatangkang maalis siya sa kapangyarihan. Ipupursigi nila ang mga disqualification moves kahit pa marami sa mga ito ang ibinasura na ng Commission on Elections. Huwag na sanang mangyari ang mga ito.

Si VP Leni Robredo ang ibinoto ko pero hangad ko at nang marami na sana ay magkaroon ng mapayapang pag­­sasalin ng kapangyarihan sa bagong administrasyon. Sana man lang, bigyan ng honeymoon period si Marcos para mapa­tunayan na mabuti ang kanyang hangarin sa bansa.

Ngunit tila mahirap mangyari ito habang nagkakawatak-watak ang ating mga kababayan. Ang kalaban ni Marcos ay hindi lang political opposition kundi ang iba pang sector ng lipunan na nagdusa sa ilalim ng martial law.

Ito ‘yung mga pamilya ng mga desaparecidos o mga naglaho noong panahon ni Marcos. ‘Yung mga ikinulong, pinarusahan o pinatay. Ang mga mapalad na nabuhay at nalampasan ang madilim na kabanatang ito ang siya ngayong nag-aaklas. Determinadong pigilin ang pagluklok ng bagong Marcos sa kapangyarihan.

Tawagin man silang komunista at kalaban ng estado, sa isang demokrasyang pamayanan ay karapatan nila ang gumawa ng mga kilos protesta. Kabilang sa grupong  ito ang Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA). Ngayon pa lang ay may inihahanda na silang petisyon sa Korte Suprema para madiskuwalipika si Marcos.

Ayon kay Joanna Cariño, isa sa mga convenor ng grupo na nakulong nung martial law, gagawin nila ang lahat ng hakbang upang pigilan ang pagbabalik sa kapangyarihan ng mga Marcos. Kung hindi papaghilumin ang sugat na nilikha ng martial law sa ilan sa ating mga kababayan, paano matatamo ang adbokasya ni Marcos para sa pagkakaisa?

BBM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with