^

PSN Opinyon

Magkapatid na Somera at Disono sa Pilar, Abra, tsugi na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Tuluyan nang dinispatsa ng mga botante sa Pilar, Abra ang magkapatid na sina Mayor Maro Somera at Vice Mayor Jaja Josefina Disono. Hindi nagustuhan ng taga-Pilar na ang tahimik nilang lugar ay biglang naging laman ng diyaryo, TV at radyo dahil sa kapalpakan ni Disono na mag-hire ng private armed groups (PAGs) para sa election. Naengkuwentro ng mga pulis ang mga PAGs na nauwi sa pagkamatay ng isa at pagka-aresto naman ng 14 sa kanila. Kinasuhan ng mga pulis Cordillera ang mga PAGs, at ang 14 armas na nakumpiska sa compound nina Somera at Disono ay na-revoked pa ang mga lisensiya.

Kaya lang, kinasuhan ng taga-NBI ang mga pulis na naka-duty sa checkpoint at mukhang hindi nagustuhan ito ng mga botante dahil alam nila ang tunay na pangyayari. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kung may P1.7 bilyon na share sa tobacco industry ang Pilar, abayyyy magkakagulo talaga ang pulitika sa nasabing lugar, di ba Cordillera police director Brig. Gen. Ronald Lee Sir? Mismooooo!

Ayon sa partial unofficial resulta ng Commission on Elections (Comelec) tinambakan ni Tyron Beroña ng Nacionalista Party ang pinsan na si Somera ng Kilusang Bagong Lipunan sa boto na 6,210 kontra 291. Samantalang si Disono (KBL) naman ay nakakuha lang ng boto na 708 kumpara sa nanalong si Samson Laguesma (NP) na may 5,573 na boto. Ang mga nanalong konsehal ay sina Roldan Dumlao, Mario Agbusac, Baltazar Beroña Jr., Restituto Dizon Sr., Noel Beroña, Walter Dait, Donardo Beroña, at Robert Domingo. Congratulations sa lahat ng nanalong pulitiko sa Pilar! Hak hak hak! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan mga kosa? Dipugaaaaa! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Mismooooo!

Matapos kasi ang engkuwentro sa checkpoint, biglang nawala sa sirkulasyon itong sina Somera at Disono kaya’t hindi nila nakuhang mangampanya. Ang masakit n’yan, ang mga kaalyado nilang tumatakbong konsehal ay iniwan sila sa ere at nangampanya silang hindi dala itong sina Somera at Disono. Sumipot lang muli ang magkapatid sa Pilar matapos ideklara na under Comelec control ang bayan at tinanggal ang 25 na pulis dun.

Pinalitan ni Gen. Lee ang 25 na pulis na na-assign sa Regional Mobile Batallion na may standing order na ‘wag makialam sa pulitika. Kaya’t kinulang ng oras itong sina Somera at Disono sa kampanya kaya’t hayun....goodbye na lang sa political career nila. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Naging matalino na ang mga botante ng Pilar, di ba mga kosa? Mismooooo!

Ayon kay Gen. Lee, na pull out na ang taga-RMB at ibinalik na n’ya ang 25 na pulis dun dahil normal na ang peace and order sa Pilar. Sina Somera at Disono ay nawala ding parang bula matapos ang bilangan at iproklama ng Comelec ang mga nanalong kandidato, ani Gen. Lee. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Sana maging leksiyon sa mga pulitiko itong kaso nina Somera at Disono na hindi PAGs ang kasagutan para manalo sa election kundi performance o public service. Mismooooo! Anong sey n’yo mga kosa? Abangan!

JOSEFINA DISONO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with