^

PSN Opinyon

Ano ang fatty liver at mga dapat kainin  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG fatty liver ay taba na naimbak sa selula ng atay at kadalasan ay nakikita sa mga edad 40’s at 50’s. Ang pag­kakaroon ng fatty liver ay malalaman batay sa resulta ng ultrasound.

Kadalasan, wala itong sintomas pero sa ibang pasyente­ ay lumalaki ang atay, makirot sa kanang bahagi ng tiyan at madaling mapagod.

Ayon sa mga eksperto, maaaring may kaugnayan ang fatty liver sa pagiging mataba, mataas na asukal sa dugo o diabetes, mataas ang triglyceride at kolesterol. Ang iba pang risk factor ay PCOS o Polycystic Ovary Syndrome, hypothyroid at iba pang sakit.

Narito ang tamang pagkain sa fatty liver:

1. Kumain ng dalawang tasang gulay at dalawang tasang prutas araw-araw.

2. Puwedeng kumain ng mais, patatas, kamote, ube at kamoteng kahoy. Magbawas sa kaning puti.

3. Mabuti ang protina galing sa isda, mongo, karne, manok na walang taba, low fat milk, yogurt at soya milk.

4. Piliin ang healthy fats tulad ng mani, kasoy, garbanzos at olive oil. Umiwas sa butter o krema, mayonnaise at sebo.

5. Panatilihin ang tamang timbang at regular na mag-ehersisyo.

6. Tubig ang pinakamagandang inumin para sa iyo. Umiwas sa matatamis na inumin.

vuukle comment

FATTY LIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with