^

PSN Opinyon

Humanda sa Marcos II

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SANTAMBAK ang boto para kay Bongbong Marcos. Halos kalahati lang ng mga boto niya ang nakuha ni Vice President Leni Robredo. Gustuhin man ito ng tao o hindi, kapag naupo na si Marcos sa Malacañang, siya ang magiging Presidente ng lahat, pati na ng kanyang pinakamortal na kalaban.

Harinawang wala nang mangyaring electoral protests at mga pag-aaklas sa lansangan dahil walang ibubunga ito kundi pagkaudlot ng kaunlaran ng bansa. Baka nga gawin pa itong dahilan para magdeklara uli ng martial law.

Gayunman, hindi naman dapat magbulag-bulagan kung may mga mangyayaring katiwalian at pang-aabuso. Hindi lamang karapatan ng taumbayan ang iprotesta kundi ang mga masamang nangyayari.

Ngunit dapat din naman tayong sumuporta sa mga tumpak at magandang programa ng alinmang mauupong administrasyon. Let us support whatever is good but remain vigilant to oppose what is wrong. May Ilan akong nakakausap na masugid na kumakalaban kay Marcos. Sabi nila, may halo mang pandaraya o malinis ang pagkakaupo niya sa puwesto, hinding-hindi sila susuporta kay Marcos.

Huwag naman ganyan.  Ibinoto ko si Robredo pero para sa akin, dapat pa ring mangibabaw ang kagustuhan ng nakararami. Ang dahilan kung bakit hindi na umunlad ang ating bansa ay dahil sa hindi pagsuporta na mamamayan sa nakaupong leader.

As the Word admonishes believers, let us pray for our leaders so they may execute their duties according to God’s Supreme Will.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with