^

PSN Opinyon

#ProudMakatizens, asahan ang mas marami pang imprastraktura

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Nitong nagdaang linggo, dalawa pang community complex ang pormal na binuksan ng Pamahalaang Lungsod. Ang Barangay Valenzuela at Barangay Olympia community complexes ang huling infrastructure projects na nakum­pleto sa aking ikalawang termino bilang mayor ng Makati.

Nauna rito, binuksan natin ang Rizal Community Complex, West Rembo Community Complex, Palanan Sports Complex, Comembo Community Complex, at San Antonio Community Complex. Ang mga pasilidad na ito ay magbi­bigay-daan sa panunumbalik ng mga dating activities at events na nagpasigla ng ating mga komunidad.

Sa pamamagitan ng mga legacy infrastructure projects na ito, mai-enjoy ng mga #ProudMakatizen ngayon at ng susunod pang mga henerasyon ang primera klaseng pasi­­lidad sa kani-kanilang barangay. Maganda, maluwag, malinis­, at de-kalidad na mga gamit ang aming inilagay para ma­­isagawa at mapanood ang sports activities tulad ng basketball, volleyball, o badminton. Syempre pa, pwede ring dito magzumba ang ating mga tita at tito, mommy at daddy, lolo at lola para manatiling masigla at malusog ang kanilang pangangatawan.

Ang muling pagtitipon-tipon ng mga magkakapitbahay ay magpapanumbalik ng community spirit sa bawat baran­gay. Pwede nang magdaos ng mga espesyal na selebrasyon sa komunidad at magkakaroon ng isang lugar para sa mga importanteng pagpupulong tulad ng townhall meetings at iba pang pagtitipon.

Ang ating bagong community complexes ay may barangay hall, basketball court, multipurpose hall, livelihood center, daycare center, computer center, at library. Mayroon ding lugar para sa mga tanod, at maging control room, fire at rescue center, at parking lot.

Nais kong magpasalamat sa inyo, mahal naming #ProudMakatizens, para sa lahat ng suporta, tulong, pang-unawa, at patuloy na pagtitiwalang ipinaranas ninyo sa akin nitong nakaraang tatlong taon.

Bilang lider at ina ng ating lungsod, sinikap kong maitawid ang Makati sa pinakamatitinding dagok ng pandemya at bigyan pa rin ng konting kaginhawahan ang mga sektor na talagang naapektuhan nito.

Sa mga susunod pang buwan at taon ay makikita pa natin ang mas maraming legacy infrastructure projects tulad Makati Columbarium at  bagong Makati Life Medical Center o Ospital ng Makati 2 sa Malugay. Inaabangan din ng lahat ang pagtatapos ng Makati Intra-City Subway at ang pagtakbo nito sa taong 2025.

Samantala, ang 24/7 primary and urgent care facility sa Makati Life ay bubuksan sa unang kalahati ng taong  2022; tatanggap ng in-patient services at 100 pasyente ang bagong ospital bandang December 2022.

Ang Makati Life ay mayroong 360-bed capacity at 190 doctor’s clinics. Ang ating modernong ospital ay magfo-focus sa prevention, treatment at rehabilitation services para sa lahat ng Makatizens, at maging pribadong indibidwal.

Muli po ay tanggapin ninyo ang aking taos-pusong pasasalamat sa napakakulay at makahulugang tatlong taon ng panunungkulan. Salamat po sa walang sawang suporta at pagmamahal.

vuukle comment

RIZAL COMMUNITY COMPLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with