^

PSN Opinyon

Ang DILG at e-sabong

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Ang Philippine Amusements Gaming Corporation (Pagcor) ang may awtoridad sa online gaming gaya ng e-sabong at hindi si DILG Sec. Eduardo Año.

Totoong LGU ang may karapatang magregulate ng traditional sabong at ang Pagcor ang online ga­ming. Kung LGU ang nagpahintulot  sa isang online sabong sa isang lugar gaya ng nasa Kilometer 3, La Trinidad, Benguet na taon nang nag-ooperate,  dapat binusisi na ito ng DILG dahil sila ang may kapangyarihan sa mga ginagawa ng LGUs. Sila rin ang may kapangyarihang imbestigahan at panagutin kung may paglabag.

Ang mga sigalot sa online sabong na kinasasangkutan ng isa sa 8 Pagcor-licensed operators ay dapat imbestigahan at panagutin kung mapapatunayang may kasalanan.  Hindi nararapat na ang kasalanan ng isa ay kasalanan ng buong industriya. Kung ganito ang katwiran ng pamahalaan sa pagpapatigil sa lisensiyadong operators, pinagkunan lang ang mga ito ng bilyong pondo at ipatitigil?

Pitumpong milyong piso ang inilalagak ng operator sa pamahalaan bilang fees at guarantees upang makapagnegosyo. Hindi pa kasama ang iba pang gastusin gaya ng mga paglalaruan, equipment at permits sa LGU.

Kung ang basehan ng DILG ay social costs ng palaro, hindi ba ganyan din ang dulot na problema ng nagkalat na casino? Bakit hindi na rin ipatigil ang mga casino na karamihan ay nasa online platforms na?

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

SABONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with