^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming jobless na Pinoy

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Daming jobless na Pinoy

Noong Disyembre 2021. naitala ang 3.27 milyon na mga Pinoy na walang trabaho at hanggang nga­yong Mayo 2022, nananatili pa rin ang mataas na bilang ng mga walang trabaho. Marami pa rin ang “nagbibilang ng poste”.

Ayon sa Philippine  Statistics Authority (PSA), ang kawalan ng trabaho ay epekto ng mga sunud-sunod na lockdown na pinatupad ng pamahalaan noong naka­raang taon dahil sa pandemya. Bukas-sara ang mga establisimento dahil sa patuloy na pagdami ng mga nahahawahan ng virus. Ang ibang establisimento, hindi na kinaya ang bukas-sara kaya minabuti nang isarang lubusan. Lalo nang nawalan ng pag-asa ang mga Pinoy sa tuluyang pagsasara at hindi nila malaman kung paano mabubuhay. Mas mabigat kung may pinakakain at pinag-aaral na mga anak.

Sa pagluluwag na pinairal noong Marso na ume­epekto sa kasalukuyan, inaasahan na marami nang magbubukas na negosyo. Bumaba na ang mga kaso ng COVID-19 at maraming umaasa na magtutuluy-tuloy na ang pagbuti ng ekonomiya. Binuksan na lahat ang mga tourist spots sa bansa noong nakaraang buwan gaya ng Boracay. Noong Semana Santa, sumobra sa capacity ang mga nagtungong turista sa island resort. Ibig sabihin, unti-unti na ngang nabubuhay ang eko­no­miya at kapag nagtuluy-tuloy, marami na ang magka­katrabaho.

Ang problema sa unemployment ang “higanteng problema” na haharapin ng mahahalal na presidente sa Lunes. Kapag hindi naging matalino ang mauupong presidente, magpapatuloy ang employment at ang ka­­sunod ay ang iba pang problema gaya ng pagka­gutom.

Isa sa maaaring gawin ng susunod na presidente ay ang pagpapalakas sa agricultural sector. Agrikultural na bansa ang Pilipinas kaya maraming pagku­kunan ng trabaho. Buhusan ng support ang mga mag­­­sasaka para makapag-ani nang marami at sapat-sapat. Huwag hayaang makapasok ang mga impor­ted­ na gulay, prutas at maging ang mga isda at karne. Ang mga smugglers ang pumapatay sa mga local na magsasaka at nawawalan ng trabaho. Kung magagawa ng susunod na presidente ang pagpapaunlad sa sakahan, walang magiging tambay na Pinoy.                                                                     

PSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with