^

PSN Opinyon

Huwag daw ipangamba pagtaas ng COVID cases

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Binawi ni dating Bureau of Corrections (Bucor) officer-in-charge Rafael Ragos ang kanyang testimonya na tumang­gap si Sen. Leila de Lima ng milyon-milyong piso mula sa ilegal na droga sa Bilibid. Tatlo na ang bumawi ng kanilang testimonya at sinabing pinilit at tinakot lang sila. Natural na ang panlaban ng gobyerno ngayon ay kasuhan sila ng perjury o pagsisinungaling habang nasa ilalim ng panu­numpa. Pero hindi ba dapat imbestigahan muna ang kani­lang mga pahayag na pinilit at tinakot lamang sila na mag­salita laban kay De Lima, isang kilalang kritiko ni President Duterte noong mayor pa siya ng Davao City? Sa totoo lang, hindi ba nagiging malinaw na tinarget lamang si De Lima ng administrasyong ito?

* * *

Hindi raw dapat ipangamba ang maliit na pagtaas ng mga kaso ng COVID sa ilang lugar sa NCR. Mababa pa rin ang kabuuang bilang ng mga kaso pati ang mga kaila­ngang maospital. Pero pinaalalahanan ang lahat na magpatuloy ng pagsuot ng face mask, umiwas sa maraming tao at mag-sanitize ng mga kamay. Ito pa rin ang mga mabisang proteksyon laban sa COVID. Sa tingin ko nga ang bahagyang pagtaas ng mga bilang ay bunsod ng mga malalaking political rallies. Limang araw na lang at eleksiyon na kaya sugurado pinaplano na ang mga malalaking miting de avance ng mga kandidato.

Iba naman ang nagaganap sa China. Naghihigpit ang gobyerno at nagpatupad ng partial at total lockdowns sa ilang siyudad. Isa rito ay ang Shanghai. Dahil nais ipatupad ang Zero COVID Policy, nagkakaron ng mala­wakang disinfection ng mga pampublikong lugar, kahit nasa labas naman. Ayon sa mga eksperto, hindi tumatagal ang corona­virus sa mga ibabaw ng kagamitan. Mababa ang porsyento na mahawahan ka ng COVID kung may nahawakan kang ibabaw ng mesa o kung ano pang kagamitan.

Wala raw malaking tulong ang ginagawang pag-spray ng disinfectant sa kalsada, at baka makasama pa. Parang nagpapanic ang China eh mababa naman ang kabuuang bilang ng mga kaso nila kumpara sa ibang bansa. Parang mahirap nga paniwalaan na ganun lang ang total na kaso ng China. Di kaya hindi nirereport lahat?

Pero mas epektibo pa rin ang magsuot ng mask at umiwas na lang sa maraming tao. Pero sa panahon ng kampanya lalo na’y ilang araw na lang, baka mahirap gawin iyan. Huwag naman sana na sa araw ng election mismo ay maghawahan ang marami. Maganda na ang ating bilang. Nabubuhay na ang ekonomiya at turismo. Hindi ito dapat mapigil o mahinto ng panibagong paghigpit.

BUCOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with