^

PSN Opinyon

Solo ang mana

IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Last part)

Pagkatapos litisin ang kaso, naglabas ng desisyon ang RTC pabor kina Dina at Rolly. Inutos ng korte na bigyan ni Vicky ang mga kapatid ni Frank ng kalahati ng $430,000 pati P50,000 na bayad sa abogado at P179,776.00 na gastos sa paglilitis sa kaso.

Kinatigan ng Court of Appeals ang desisyon pero binago ang nilalaman at ginawang tig-1/4 lang ang parte ni Vicky at mga kapatid ni Frank sa $430,000 pati tig-kalahati naman sila sa lupang nakuha ni Frank noong kasal na siya kay Vicky. Ayon pa sa CA ay batas ng Africa at hindi ang Civil Code ng Pilipinas ang dapat na sundin kaya ang mga kaanak ni Frank ay may karapatan lang sa tig-1/10 na parte. Tama ba ang CA?

Mali. Ayon sa Supreme Court, sa pagpili raw kasi ng batas na dapat sundin ay ang estado na may pinakamalapit na relasyon (state of the most significant relationship) ang dapat umiral. Sa ulat, sa Africa ito. Kahit sabihin na Pilipino ang sangkot ay isang kompanya sa Africa na may opisina roon ang sangkot. Idagdag pa, ang nangyaring kapabayaan o “tort” ay naganap sa isang eroplano nila na siyang uma­reglo rin ng asunto kay Vicky.

Ang mahalaga rin ay nakasaad sa “Release and Receipt” na pinirmahan ni Vicky na batas ng Africa ang masusunod kahit pa nangyari ang pirmahan ng kasulatan sa Pilipinas. Sa batas ng Africa ay may karapatan ang misis na angkinin ang kabuuan ng $430,000.00 na binayad ng kompanya sa pag-areglo sa kaso. Sa batas kasi nila ay asawa at mga anak lang ang maaaring maging taga­pagmana.

Walang binanggit sa batas ng Africa tungkol sa pagbibigay ng mana sa mga kapatid o ang tinatawag na “collateral relatives”. Kaya ang utos ng CA na ibigay ni Vicky sa mga kapatid ng nasirang asawa ang parting katumbas ng 1/10 sa $430,000 ay binabaliktad (Alcala vda. De Alcaneses vs. Heirs of Jose Alcaneses, G.R. 187847, June 30, 2021).

RTC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with