^

PSN Opinyon

On-line gambling salot sa kabataan

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Iniutos na ni President Digong ang pagpapatigil nang tuluyan sa e-sabong, isang uri ng sugal na accessible sa internet at maaaring makapaglaro pati ang mga menor-de-edad.

Ang e-sabong ay isang uri ng on-line gambling na ang may-hawak ng lisensiya ay ang Pitmaster Live na pag-aari ni Atong Ang. Tiniyak naman ni Ang na susunod siya sa atas ng presidente ngunit sinabing aayusin niya ang mga prob­lemang may kinalaman sa palaro sa pag-asang makapag­bukas muli.

Ang nakikita kong problema kung kaya hindi katanggap-tanggap ang e-sabong ay pati mga kabataan ay maa­aring makapaglaro. Sa mga regular na sugalan tulad ng casino at sabungan, maaaring pagbawalan ang menor-de- edad. Pero sa Internet, ang mga kabataan ang pinaka­ma­galing. Anumang safeguard o firewall ang ilagay mo, tiyak na ito ay kayang-kaya nilang pasukin.

Delikado kapag nalulong ang isang kabataan. Malamang pati pangmatrikula at allowance niya ay itaya sa on-line gambling. Sabi ni Atong, sa loob ng panahong sa­rado ang e-sabong, pag-aaralan nila kung paano mare­resolba ang mga isyu tungkol sa e-sabong para maging katanggap-tanggap ito.

Si DILG Secretary Ed Año ang nagrekomenda kay Pre­sident Digong na ipatigil ang e-sabong. Pero ngayong papa­tapos na ang termino ni Digong, papaano kung ang susunod na presidente ay isang masugid na tumututol sa pagsusugal?

Hindi rin ako pabor sa sugal pero sa aking palagay, ang pinakamagandang paraan para ma-regulate ang mga nagsusugal sa e-sabong ay magtayo na lang ng mga betting­ arcades tulad ng e-bingo. Alisin na ito sa on-line na acces­sible para sa lahat. Sa ganyang paraan, maaaring magtakda ng age limit sa mga pumapasok na manlalaro.

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with