^

PSN Opinyon

Vindication ni Leila de Lima namumuro

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Alam nang marami na kalabang mortal ni President Duterte si Sen. Leila de Lima simula nang ang presidente ay mayor pa lang ng Davao City. Noon, si De Lima ay isang maalab na human rights lawyer at advocate na walang habas na kumalaban sa pag-iral ng mga extra-judicial killings sa Davao.

Nang mga panahong yaon, umiiral sa Davao ang tina­tawag na DDS o Davao Death Squad na pumapatay sa lahat ng mga kriminal na sangkot sa droga na pinaniniwalaang galamay ni Duterte.

Kaya marami ang naniniwala na ang mga isinampang kaso laban kay De Lima ng rehimeng Duterte na may kinalaman din sa droga ay pakana lang ni Duterte para gumanti sa senadora. Dahil non-bailable ang kaso, nana­tiling nakapiit si De Lima at napagkakaitan ng katarungan. Hanggang ngayon, walang promulgation na ibinababa ang hukuman.

Ngayong malapit nang matapos ang termino ni Duterte, isa-isa nang bumabaliktad ang mga tumestigo laban kay De Lima. Nauna ang drug Lord na si Kerwin Espinosa na nag­sabing tinakot lang siya kaya tumestigo laban sa senadora.

Ngayon, nag-urong na rin ng kanyang testimonya laban kay De Lima si dating Bureau of Corrections OIC na si Rafael Ragos. Nakikita ko nang maliwanag na ang mga testi­gong ito ay napilitan lamang na idiin ang senadora dahil sa udyok ng administrasyong nanggagalaiti sa galit kay De Lima.

Sa harap ng mga pangyayaring ito, nakikita ko ang pagsikat ng araw kay De Lima na sa mahabang panahon ay biktima ng political persecution.

LEILA DE LIMA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with