^

PSN Opinyon

Ingatan ang kidneys  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NARITO ang mga payo para maingatan ang kidneys:

1. Bawasan ang asin sa pagkain – Matutong limitahan ang pagkain ng maaalat tulad ng asin, patis, toyo, bagoong at maaalat na isda. Mataas din ang asin ng instant noodles, sitsirya at de-lata. Sa pagluto ng noodles, kalahati lang ang seasoning o alat na ilagay.

2. Limitahan ang protina sa pagkain – Ang pagkain ng sobrang protina, tulad ng karneng baka, baboy at steak ay nagpapahirap sa kidney. Kaya nga ang mga may sakit sa kidneys ay nililimitahan ang protina sa pagkain. Kapag marami ang protinang kinain, kailangang mag-double time sa pagtatrabaho ang kidneys.

3. Gamutin ang high blood pressure – Kapag mataas ang blood pressure (140 over 90), dito na nag-uumpisa ang pagkasira ng kidneys. Gusto ng kidneys ang normal na presyon ng dugo lamang. Uminom ng gamot sa alta­presyon.

4. Gamutin ang diabetes – Napakasama ang naidu­dulot ng diabetes sa kidneys. Sinisira ng diabetes ang kidneys at puwedeng magdulot ng kidney failure at pagda-dialysis. Kapag 5-10 taon na ang diabetes, nag-uumpisa nang masira ang kidneys. Dahil dito, kumunsulta agad sa doktor at gamutin na ang diabetes at altapresyon.

5. Limitahan ang paggamit ng pain relievers – Ang mga pangkaraniwang pain relievers tulad ng mefenamic acid, ibuprofen, at mga mamahaling pain relievers tulad ng celecoxib, ay puwedeng makasira ng kidneys. Kailangan ay limitahan ang paggamit nito sa isa o dalawang linggo lamang.

6. Uminom ng sapat na tubig sa isang araw – Ang pang­karaniwang payo ng doktor ay ang pag-inom ng walong basong tubig sa isang araw. Makatutulong ito sa pag-iwas sa kidney stones o bato sa bato.

7. Huwag sobrahan ang pag-inom ng Vitamin C – Hang­gang 500 mg lang ng Vitamin C ang nirerekomenda. Ang sobrang vitamin C ay puwedeng magdulot ng kidney stones. Ang kidney stones ay puwedeng umabot sa kidney failure kapag hindi naagapan.

8. Magtanong muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot. Magpa-check ng ihi at dugo at kumunsulta sa inyong kidney specialists o doktor.

KIDNEY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with