^

PSN Opinyon

Makati public health sector, nagkamit ng mga parangal

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Noong nakaraang linggo, magkasunod na pagkilala ang natanggap ng Makati sa sektor ng public health.

Iginawad sa Makati Life Medical Center, ang ikalawang­ public hospital sa lungsod, ang Public-Private Healthcare Partnership of the Year Award bilang bahagi ng Healthcare Asia Awards 2022.

Ang parangal ay mula sa Healthcare Asia (HCA), isang industry magazine para sa mga hospital owner, investor, administrador at policy maker sa Asya.

Ang Makati Life Medical Center ang pinakamalaking public-private partnership hospital sa bansa. Itinatayo ito sa bisa ng joint venture agreement sa pagitan ng Life Nur­ture Incorporated (LNI) at ng Pamahalaang Lungsod ng Makati.

Malugod kong tinanggap ang nasabing parangal na kumikilala sa mga pagsisikap natin na patuloy na itaas ang kalidad ng public health services sa Makati. Sa pamama­gitan ng Makati Life na isang inclusive hospital, mas magi­ging abot-kamay at abot-kaya ng mga Makatizen sa dala­wang distrito ang premium quality na hospital services mula sa mga mahuhusay na doktor at medical personnel sa ating bansa.

Matatagpuan ito sa Malugay St., Bgy. Bel-Air sa District­ 1. Ang ospital na nagkakahalaga ng P9.77 billion ay may 360 beds at multiple specialty centers na bubuksan by phase. Nakatakdang simulan ang partial operation nito sa kalagitnaan ng 2022, sa pagbubukas ng 24/7 primary at urgent care facility.

Magsisimula rin ang in-patient services ng Makati Life sa unang 100 beds sa pagtatapos ng taon. Tinatayang maku­kumpleto ang 360 beds at 192 clinics na kapasidad ng ospital sa unang quarter ng 2024.

Samantala, ginawaran ng 5-year accreditation ng Phi­lippine Board of Emergency Medicine (PBEM) ang Depart­ment of Emergency Prehospital, Disaster, and Ambulatory Care Medicine ng Ospital ng Makati (OsMak) sa District 2. Dito nagsasanay ang ating mga emergency medical physicians.

Ang OsMak ang kauna-unahang pampublikong ospital na may emergency-based training program na nakatanggap ng extended accreditation.

Kadalasan ay tatlong taon lamang ang accreditation na ibinibigay ng PBEM, ngunit dahil sa mahigpit na pagsunod at pag-comply ng OsMak sa mga requirements ng board ay binigyan ito ng extension.

Ang lahat ng aming ipinangako ay nilakipan namin ng gawa, kaya naman tinatamasa na natin ngayon ang bunga ng ating mga pagsisikap. Pagdating sa kalusugan, iba talaga ang alagang #ProudMakatizen.

vuukle comment

MAKATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with