^

PSN Opinyon

Terorismo sa Ilocos Norte

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Laoag City ang capital ng Ilocos Norte. Ang ibig sabihin ng Laoag sa Iloko ay liwanag.

Ngunit karimlan sa halip na liwanag ang nakikita sa siyudad dahil sa pag-aaway ng mga pulitiko roon.

Nagsalpukan sa kampanya kamakailan ang kandidatong mayor ng Laoag na si Roger Fariñas at si incumbent vice mayor Toto Lazo. Si Roger Fariñas ay dating Laoag mayor at kapatid ni dating congressman at governor Rodolfo Fariñas.

Ayon sa report, napadaan lang daw ang grupo si Roger Fariñas sa isang bahay na may mga nagkukumpulang mga tao kaya nag-usisa ito dahil sa hinala na may nagaganap na “vote buying”. Pinapasok naman daw si Roger Fariñas ng may-ari ng bahay. Ang may-ari ng bahay ay kaalyado umano ng kalabang si Toto Lazo.

Nagkaroon daw ng murahan ang grupo ni Roger Fariñas at Toto Lazo. Ang kapatid daw ni Toto Lazo na isang retiradong pulis ay naglabas ng baril. Nakunan daw ito ng video. May mga bodyguards din umano si Toto Lazo.

Ngunit ayon sa kampo ni Toto Lazo, sadyang tres­passing o pinasok ni Roger Fariñas ang bahay at saka nanakit ng mga tao roon. Isa umano sa nasaktan ay ang asawa ng may-ari ng bahay.

Akusasyon kontra akusasyon ng magkabilang grupo. Bawat kampo ay may sinasabing pagmamalabis. Walang ibig magpatalo.

Ang nangyayaring ito sa Laoag ay nagpapakita lamang tunay na karakter ng mga pulitiko roon na naihahambing sa terorismo. Dahil sa paghahangad nila at pag-aagawan sa posisyong pulitikal, ang naiipit ay ang kawawang mamamayan.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

ILOCOS NORTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with