^

PSN Opinyon

Masuwerteng buhay pa matapos hatawin ng baseball bat!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMING netizen ang nakipag-ugnayan sa BITAG, ma­ipa­hatid lamang ang isang insidenteng nakuhanan sa Las Piñas, kamakailan.

Katatapos lamang noong kaso ng security guard na ina­buso ng anak ng isang kongresista. Ngayon naman, isang senior citizen ang pinaghahampas ng baseball bat ng isang galit na galit na lalaki.

Sa tulong ng mga netizen, agad nahanap ng BITAG ang matandang biktima na si Tatay Julian, isang jeepney driver. Noong mga araw na ‘yun ay nakamotorsiklo lamang ang matanda. Ang dahilan ng panghahataw sa kanya, gitgitan sa kalsada. Ang driver ng kotseng kanyang iniiwasan, isang fitness instructor at umano’y commercial model na si Gersan Dave Gonzales.

Sa videong nag-viral, nakitang tatlong beses hinampas ng baseball bat sa ulo at katawan ang matanda. Mabuti na lamang at naka-helmet ito dahil kung hindi, dalawa lamang ang kanyang kapupuntahan—ospital o sementeryo.

Sa BITAG Live kahapon, nasa opisina ko si Tatay Julian kasama ang kanyang anak. Ipinakita nito sa akin ang nama­maga pang likuran at yuping helmet dahil sa panghahataw sa kanya. Ang kolokoy na nanakit ng matanda, kasalu­kuyan namang nagtatago. Matapos ibuking ng BITAG nitong­ Lunes na fake news ang kasunduan umanong naganap sa pagitan niya at ng biktima.

Kumakalat kasi sa social media na sila’y nagkapatawaran na. Nag-post pa ito ng litrato’t video kung saan nagyakapan sila ni Tatay Julian.

Ang siste, kuwento mismo ng biktima sa akin, hindi iyon pakikipagkasundo o pagpapatawad. Wala na siyang nagawa umano nang yakapin siya ni Gonzales.

Dala umano ng takot, nagmamadali na siyang umuwi at para makuha na ang kanyang lisensiya ay hindi na siya pumalag nang yakapin siya ng butangero. Wala rin umano silang napagkasunduan o kasulatang nagkapatawaran na.

Lunes pa lamang ng umaga ay nakipag-ugnayan na ang BITAG sa aming kaibigang si Col. Jaime Santos, ang hepe ng Las Piñas Police. Agad kumilos ang kanyang tanggapan, kinuhanan ng salaysay si Tatay Julian at hinanap ang kolokoy na si Gonzales.

Ang siste, maling address ang ibinigay ni Gonzales sa traffic sector kung saan sila nagyakapan ni Tatay Julian. Matagal na pala itong hindi naninirahan sa lugar.

Maging ang nagpakilalang talent manager umano ni Gonzales na kausap ng BITAG, umaapela na sa kanyang alaga na magpakita’t makipag-usap.

Siya umano ang sumasalo ng mga bash at masasakit na salita mula sa publiko dahil sa ginawang krimen ni Gonzales.

Habang sinusulat ang kolum na ito, hindi pa rin sumasagot si Gonzales sa mga tawag at pagkontak ng BITAG. Kasalukuyan ding nagpapaospital si Tatay Julian sa tulong naman ng ACT-CIS Partylist ng utol kong si Erwin.

Abangan ang mga susunod na kaganapan sa kasong ito na tinututukan ng BITAG.

vuukle comment

BASEBALL BAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with