^

PSN Opinyon

Ang paggamit ng teleprompter?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAY mga pumipintas kay Vice President at Presidential aspirant Leni Robredo sa anila’y paggamit niya ng tele­prompter sa kanyang pangangampanya. Hindi ko alam kung totoong umaasa palagi siya sa telepromter sa tuwing magsasalita sa harap ng publiko pero sa tingin ko ay walang masama rito.

Ang katunggali niya na si Presidential bet Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ay laging walang binabasa sa kanyang mga pangangampanya. Pero sukatan ba iyan para sabihin siya ay magiging mahusay na leader? Tingin ko rin ay hindi.

Nakalulungkot na sa panahon ng kampanya, kung walang­ mahagilap na masamang isyu para ibato sa kalaban sa pulitika ay pipiliting maging usapin ang isang bagay na hindi naman dapat gawing minus factor. Wika nga, forcing the issue.

Paano kung may maimbentong salamin sa mata na doo’y lalabas ang teksto ng isang talumpating maganda ang pagkakasulat. Kapag suot ng isang mananalumpati ang salaming ito, aakalain ng nanonood na napakahusay niyang magsalita.

May mga taong isinilang na walang talento sa public speaking ngunit magaling na leader at may magandang platapormang pakikinabangan ng bansa kung maipatutupad. Iyan ang tunay at maaasahang sukatan ng leader na dapat piliin pagdating ng eleksyon.

Hindi malaking merito ang galing sa pagsasalita kundi ang sinseridad para ipatupad ang magandang sinasabi ng kandidato.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with