^

PSN Opinyon

Mga karamdaman ng babae at solusyon dito  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Bukol sa suso – Lahat ng babae edad 20 pataas ay kailangang marunong kumapa ng kanilang suso. Gawin ito buwan-buwan bago at pagkatapos magkaregla­. Humarap sa salamin at tingnan ang suso. May pagka­kaiba ba ang kanan at kaliwang suso? Habang naka­tayo, salatin ang suso mula sa utong. Gamitin ang dulo ng dalawang daliri at kapain nang paikut-ikot ang suso. Mag-umpisa sa utong at hanggang sa papalabas­. Pagkatapos ay humiga naman sa kama at ulitin ang pagkapa ng suso. Bago matapos, kapain din ang kili­kili para maghanap ng kulani. Kung may bukol na nasa­salat, magpatingin sa inyong surgeon o OB-gyne­cologist.

2. Ulcer – Huwag magpapagutom. Kumain nang madalas sa isang araw pero kaunti lang. Small, frequent meals. Mag-almusal, meryenda, tanghalian, meryenda at hapunan. Ang pag-inom ng tubig ng pakonti-konti sa buong araw ay makababawas sa asido ng sikmura. Magbaon din ng saging o tinapay para hindi sumakit ang tiyan. Umiwas sa pagkaing nakaka-ulcer tulad ng sili, orange, pineapple, calamansi, lemon, suka, mga sit­sirya at gatas.

3. Nerbiyos – Maraming babae ang inaatake ng ner­biyos. Sila’y nakararamdam ng hirap sa paghinga, pama­manhid ng kamay, paa at labi. Minsan ay nahihilo sila, at lumalakas ang pintig ng puso. Kung kayo ay nakararanas nito, huwag matakot dahil nerbiyos lang iyan.

Ang problema ay ang pagbaba ng carbon dioxide sa katawan dahil sa sobrang bilis ng paghinga. Ang solusyon diyan ay ang paggamit ng “brown bag technique.” Kumuha ng isang maliit na bag na gawa sa papel. Itakip sa bibig at ilong at dito huminga ng dahan-dahan. Gawin ito ng 15-30 minutes. Ang gusto natin mangyari ay malanghap mo ulit ang hangin na iyong inilalabas. Sa ganitong paraan, mawawala ang iyong nararamdaman.

4. Menstrual cramps – Ang solusyon sa menstrual cramps ay ang pagpapahinga. Itulog ang sakit. Umiwas muna sa mga stress, trabaho at meetings. Maligo ng maligamgam na tubig para ma-relax ang iyong puson. Patungan ng medyo mainit na bote ang iyong puson. Sabi ng iba, ang sex daw ay nakatutulong din sa menstrual cramps. At kapag masakit talaga, uminon ng ibuprofen 200 mg, dalawang beses sa isang araw pagkatapos kumain.

BABAE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with