^

PSN Opinyon

Bawal bang pumuna sa gobyerno?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KINONTRA ni Comelec Commissioner George Garcia ang banta ni Commissioner Rey Bulay na maaaring ipakulong ang mga kritiko o tumutuligsa sa Comelec. Uutusan­ pa raw ang AFP para hulihin, kasuhan at ipakulong ang mga ito. Tama lang daw sa isang demokrasya ang magbigay ng mga sentimyento o oposisyon sa anumang gina­gawa ng mga ahensiya ng gobyerno, kabilang ang Comelec. Karapatan din iyan sa ilalim ng ating Konstitusyon.

Hindi na ako magtataka kung bakit ganito magbanta si Bulay. Katangian talaga ng mga opisyal na nagsisimula sa pinakamataas na tanggapan ng bansa ng administrasyong ito ang hindi makatanggap ng anu­mang kritisismo dahil ang tingin ay wala silang anumang pagkakamali. Kaya kung may bumatikos, may pumuna, may kritisismo, ang banta ay huli, kasuhan, ipasara, ipakulong. Inulan ng batikos si Bulay sa pagbantang ito kaya nagpahayag na babala lang iyon at hindi banta.

Ano nga naman ang masama sa pumuna, mag­bigay kritisismo, sentimyento o opinyon sa anumang ginagawa ng gobyerno? Hindi ba tungkulin naman ng gobyerno ang manilbihan sa tao? At uutusan pa ang AFP? Banta ba sa seguridad ng bansa ang pumuna sa Comelec kaya ang AFP ang magsisilbing mga pulis nila? 

Katulad ng isang isyu ngayon. Sa pinaplanong huling debate ng mga kandidato para sa pagka-presidente na gagawin umano sa Sofitel, lumabas na wala palang pambayad ang Impact Hub Manila, ang pribadong kom­panyang nag-organize ng nasabing debate sa hotel. Ang halaga ay umaabot ng P15 milyon.

Tumalbog ang mga tseke na ibinigay ng Impact Hub sa Sofitel. Pero lumalabas na gagarantiyahin ng Comelec ang nasabing halaga. Ang ibig sabihin ba ay Comelec na ang magbabayad sa Sofitel? Bakit hindi sinuri mabuti ng Comelec kung kaya nga ng Impact Hub na asikasuhin at bayaran ang Sofitel para maganap ang huling debate? At ang plano pa ng ibang taga-Comelec ay sila ang sasalba sa sitwasyon ng Impact Hub?

 Hindi raw puwede iyon dahil wala naman daw kontrata sa pagitan ng Sofitel at Comelec. Kaya pina-iimbestigahan na ang nasabing gusot na nauwi sa pag kansela ng debate. Tiniyak ng Comelec na wala silang inilabas na pera para sa gusot na ito. Hindi na rin matutuloy ang pinlanong debate dahil may mga kandidatong hindi makakadalo, at isang “panel discussion” na lang ang magaganap. 

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with