^

PSN Opinyon

Payag kayo?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PUWEDENG-PUWEDE pala na ibalik ang presyo ng mga paninda sa level noong dekada 60s at 70s. Ang pamasahe noon ay diyes hanggang beinte-singko sentimos, piso lang ang isang tumpok ng galunggong. Ang baboy at baka, dalawang piso lang ang isang kilo. Bigas, 50 sentimos ang gatang at sa halagang sampung libo piso ay may luxury car ka na.

Ganyan kung gunitain naming mga nakatatanda ang lumipas­, sabay buntunghininga na magbalik sana ang dating panahon. Mula pagka-bata hanggang maging binatilyo ako ay naranasan ko ang ganyang presyuhan ng mga paninda.

Ang gasolina ay trenta sentimos ang litro. Kahit isampera, makakabili ng kendi. Kapag nanonood ng sine, P1.50 balcony ­na. Kapag may traffic violation, mag-ipit ka ng limang piso sa lisensya lusot ka na. Binata na ako ay kinukupitan ko kung minsan ng beinte pesos mula sa kanyang bag ang aking ina. Sa halagang yaon ay magde-date na kami sa sine ng siyota ko. May kasamang pang coke at siopao.

Kapag may ten pesos ka sa bulsa, secure na pakiramdam mo. Soft drinks singko hanggang diyes sentimos lang ang halaga.

Peks man, puwedeng gawin ang lahat ng ito. Pero pati suweldo ay babalik sa level noon na ang minimum salary ay dalawang o apat na piso kada araw.

Payag kayo? Siyempre walang papayag na mabawasan nang malaki ang kanilang sinasahod. Nagtataka lang ako na kahit noong araw pa, nagrereklamo na ang taumbayan sa mataas na presyo. Bakit kaya?

Hindi na puwedeng ibalik ang mga panahong yaon. Pero kung magkakaroon tayo ng magaling na Presidente matapos ang May 9, posibleng magkaroon tayo ng magin­hawa at maunlad na kabuhayan. Kaya maging matalino tayo sa pagpili.

vuukle comment

INFLATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with