^

PSN Opinyon

Ayudang pinamudmod bakit kulang?  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGHAHABOL sa oras ang ilang local officials sa pamu­mudmod ng ayuda kung kailan ilang tulog nalang ay botohan na. Kanya-kanyang hakot sila sa mga resi­­dente para iabot ang ayudang dapat sana ay noon pa naipamahagi. Kaya marami ang nadidismaya sa pamamaraan ng LGUs. Lumalabas kasi na isang paraan ito ng LGU’s o mga re-electionist na makopo ang boto sa pama­magitan ng pamu­mudmod ng ayuda.

Sabi ng UP political science professor na si Maria­ Ela Atienza, ang iniwang leksyon ng COVID-19 sa pulitika, ay ang pagpapamukha ng pandemic sa taumbayan na kung hindi tamang opisyal ang nakaupo sa puwesto ay tiyak na mabibigo ang anumang pandemic response. Ang naging karanasan ng pandemic ay tinuturing na crucial­ nga­yong May 9 election dahil “it will make or break a candi­dacy”. Ang mga performing mayors ay tiyak na magnining­ning nga­yong eleksiyon.

Asahan naman na sisingilin ang mga local officials na hindi kumilos o kulang ang ibinigay na ayuda. Sa kasagsagan ng pandemic, lumaganap sa social media ang mga hashtag na #nasaankamayor #walangayuda #humandakayo sa eleksyon at iba pa na patukoy sa mga incompetent officials.

Ngayong 14 na araw na lamang at eleksyon na, tiyak na abalang-abala ang mga local officials sa kanilang panga­ngampanya. Tiyak ibibida ang kanilang mga nagawa sa panahon ng pandemya na namudmod sila ng ayuda. Lahat­ nang magagandang ginawa ay ilalabas.

Samantala, sa Marikina City, sinisingil umano si Mayor Marcy Teodoro ng mga residente dahil sa kulang na ayuda. May mga nagkalat na fliers sa lungsod na nagsasabing mas marami sa mga residente ang nakatanggap ng P1,000 kaysa sa P4,000 na nakasaad sa Special Amelioration Program (SAP).

Sa kabuuan, P384 milyon umano ang SAP na ibinigay sa lungsod para para sa 96,000 pamilya nagkakahalaga ng P4,000 ngunit marami ang hindi natanggap. Ang ilan, P3,000 ang natanggap habang ang iba ay P1,000 lang. Kung hindi naibigay ang ayuda, dapat may resibong ibinalik ang pondo sa DSWD. Kaaawa-awa naman ang mga tao na umaasa sa P4,000 na ayuda pero P1,000 lang ang natanggap.

Noong nakaraang taon, ilang residente sa Marikina ang nagprotesta dahil marami sa kanila ang wala sa listahan ng mga beneficiaries. May mga nag-post ng kanilang hinaing sa Twitter na nagsabing hindi lahat ay naabutan ng ayuda.

Ano kaya ang masasabi rito ni Mayor Marcy?

LGU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with