^

PSN Opinyon

Dating sinisiraan ni Defensor ngayo’y sinusuportahan na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PAMBIHIRA ang politics sa Pinas. Ang dating kaaway na mortal, ngayon ay sinusuportahan na. Nagtatanong lang ako kung bakit. Si Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor ay masugid ngayon nagangampanya para kay dating QC Mayor Herbert Bautista na tumatakbo sa pagka-senador. Walang masama diyan pero... kung magugunita, noong 2009, galit na galit si Defensor kay Herbert at kinukuwestiyon ang aniya’y “ghost projects” na ginugulan ni Bautista ng P2.7 bilyon nang ito ay vice mayor pa. inawtorisahan daw ni Herbert ang paggamit ng salapi sa mga ghost projects sa nakalipas na siyam na taon.

Matinding akusasyon iyan lalo pa’t sinasabing hindi dumaan sa public bidding ang mga proyekto. Sa laki ng halagang involved, babagsak iyan sa plunder. Ano ang dahilan kung bakit mukhang sanggang-dikit na ngayon ang dating magkalaban? Akusa ni Defensor, umaabot sa P100 milyon ng P300 milyong annual budget ang nilaspag ni Herbert sa ghost projects.

Iyan ang panahong nagbakbakan sina Defensor at Herbert sa posisyon ng pagka-mayor ng QC.  Ahh, political rivalry ang dahilan. Wala talagang permanenteng kaaway pagdating sa pulitika. Kaibigan mo ngayon, kaaway mo bukas. Kesyo malaki raw ang idineklarang ginastos ni Herbert sa pagkain sa isang meeting na hindi naman nangyari.

Pati tuloy ang Liberal Party ay inudyukan ni Lakas-Kampi Senatorial bet Raul Lambino noon na pilitin si Herbert na magpaliwanag. Pero wala akong natatandaan na nagpaliwanag si Bistek!

Hindi ko matiyak kung may naisampang kaso tungkol dito at kung mayroon, Ano ang naging promulgation?

Now it’s different, mistulang Nostradamus si Defensor na humuhulang siguradong wagi si Bautista at uupong senador matapos ang May 9 elections. Tinawag pa siyang “huge asset” ni Defensor. Kailan pa kaya mawawala ang ganitong klase ng pulitika sa ating bansa?

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with