^

PSN Opinyon

Vote buying, dati nang ginagawa sa Abra

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Hinihingi ang pagbalasa sa pamunuan ng Abra PNP dahil sa pagwawalang bahala sa pamimili ng boto sa probinsya.

Tatlong libong piso ang ipinamimigay sa pamama­gitan ng mga kapitan ng barangay sa Bangued, Abra para sa posisyong pagka-governor, vice governor, at mayor ng Bangued.

Isang libong piso naman ang ipinamigay sa Tayum.

Normal na ang ganitong kalakaran sa Abra. Umaangal na lang ang mga hindi nakatatanggap at mga pulitikong hindi kayang tapatan ang halagang pinamimigay ng kalaban.

Suko ang kapulisan sa vote buying. “Okay lang ang vote buying, wag lang silang magpatayan!” sabi ng isang dating police general.

Ngunit sa tingin ng mga mulat ang isipan, pag-abandona sa tungkulin ng pulis ang pagsawalang-kibo sa krimen. Ang vote buying ay isang krimen!

Ayon naman sa liderato ng Abra police, panguna­hing tungkulin nila na mapanatili ang kaayusan at kata­hi­mikan. Itinuturo nila ang Comelec na dapat nag-iim­bestiga rito.

Sabagay, kailan pa naging “deliverables” ng kapu­lisan ang pagsawata sa vote buying. Dapat Comelec ang mag­sagawa nito!

Ngunit sa kasalukuyang bilang ng mga taga Comelec sa mga bayan-bayan, paano nila magagampanan ang pagsawata sa vote buying? Gaano sila kapursigido para labanan ito.

Aminin man o hindi, pabor sa mga namimili ng boto ang sitwasyon. Sabi nga ni President Digong noong Huwebes, mahirap masawata ang vote buying.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

VOTE BUYING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with